37 weeks ?

Hi momsh . Ask ko Lang Sana Sana may makapansin . Kapag Gabi kase Madalas Nagpapatigas si baby Every 5minutes . Tas Sumasakit din Tyan ko Minsan . Madalas to kapag Gabi Mayat Maya din ako Ihi nang ihi masakit puson Parang ambigat Bigat May nanganganak ba nang 37 weeks kahit Wala pa Naman akong discharge . Kahit Yellow discharge Wala .

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Contractions na po yan since pwede ka na po manganak anytime kasi 37 weeks ka na po. Pakiramdaman mo po ng mabuti kasi signs na po talaga yan na malapit ka na manganak. Baka nga po manganak ka na po today kasi every 5 minutes na po yung pagtigas ng tiyan mo. Congrats in advance po! :)

4y ago

Ako rin po wala akong discharge. Hindi rin po pumutok yung panubigan ko. Hindi ko rin po alam na manganganak na rin ako nun kasi nakapasok pa ako sa office a day before ako manganak. Tapos pagdating ng 1am nagising ako kasi naninigas yung tiyan ko pati yung balakang ko unti-unting sumasakit na rin tapos yung feeling ko parang najejebs. More than 1 hour ko tiniis kasi akala ko wala lang. Pero nung mga 5-10 minutes nalang yung interval ng contractions, nagsearch ako dito sa TAP kung ano mga nararamdaman kapag manganganak na kaya pumunta na kami sa hospital.