depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

sabihan na kita ng masakit na salita mommy ha? kasi ang ayoko sa lahat naapi ang anak ko na hindi nya tunay na anak. alam mo ba parehas tayo eeeh, may anak sa ex pero hindi ako bobo mommie ๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜ข hindi ako bobo, hindi ako tanga kasi ang pangako ko sa sarili ko kung magkaka asawa ako gusto ko kahit hindi ako masyadong mahal basta makita ko lang na mas mahal nya anak ko kesa sa akin ๐Ÿ˜ข naiintindihan kita mommie kung late mo na nalaman ugali nya pero sana nung umpisa palang ng nakita o naramdaman po inaapi anak mo bumitaw kana alam mo kung bakit? aantayin mo paba na kamuhian ka ng anak mo dahil sa kanya? aantayin mo pa ba pag gising mo wala ng buhay anak mo dahil sa kanya? sana gumawa kana ng action sa umpisa palang ano ngayon kung wala ulit ama yang dinadala mo? pahalagahan mo rin yung unang anak mo wag lang feelings mo! sorry to say this mommie nasasaktan ako eeeh kasi nilalagay ko posisyon ko sa posisyon ng anak ko at ng anak mo ๐Ÿ˜ญ buntis rin ako ngayon 6months pero hindi ko hahayaan maging kawawa anak ko mommie. etong partner ko nakatikim to ng salita sa akin kahit wala syang nagawang mali, ang nagawa nya lang is nong nagka pamangkin sya natoon ang oras nya doon kesa sa anak ko, alam mo ginawa ko? nag impake ako, pinigilan nya ako, anong sabi nya? bakit kami aalis? anong sabi ko? AYOKO MAKISAMA SA LALAKING MAS MAHAL PA ANG IBANG BATA KESA SA ANAK KO! YES KADUGO NYA YUN AT HINDI ANG AKIN PERO SABI KO SA KANYA KUNG MAHAL NYA AKO MAS MAHAL NYA DAPAT ANAK KO AT GUSTO KO MAKITA O MARAMDAMAN ARAW-ARAW yun! binigyan ko sya ng karapatan disiplinahin anak ko mommie, binigyan ko sya ng panahon bumawi. pero alam mo nangyari? ayon, mas close silang dalawa kesa sa akin, araw2x ko nakikita masaya anak ko sa kanya, tulog nalang ako sa gabi silang dalawa nag bobonding pa! ๐Ÿ™ hindi ko sinasabi na perpekto akong mama, hindi ko sinasabing gawin mo rin to. ang ibig ko sabihin gumising ka! kahit hindi kana mang hingi ng advice mommie ikaw mismo dapat alam yan! sa simula palang dapat mulat kana, sa umpisa palang dapat anak mo muna๐Ÿ˜ข sorry sa mga nasabi ko pero nasasaktan ako para sa anak mo at hindi sayo. God bless! anyways mommie pag lumabas itong nasa tiyan ko wala akong plano ipaghiwalay sila ng unang anak ko, may plano ako ipaalaga sa mama ko kasi may trabaho ako at ang husband ko ayoko iwan sa side ng husband ko ang mga anak ko dahil ayokong magkahiwalay sila ng feelings, like, alam mo na baka hindi sila magkasundo, kaya mama ko mag aalaga sa dalawa kong anak gusto ko lumaki silang mahal ang isat-isa na walang inggitan ๐Ÿ˜Š may paki alam ako sa feelings ng husband ko pero nag usap na kami ๐Ÿ˜Š alam nya reason ko.

Magbasa pa