depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alam mo dapat hiwalayan mo sya o kasuha sya . verbal abuse na din yan kung tuusin . habang maaga . kung iisipin mong kumpleto nga kayo pero kung wala syang respeto sayo sa harap ng nga anak mo wala din sense magkakaron lang din ng psychological effect sa bata yun di yun mganda sa inyo ng mga anak mo. maigi pang kayanin mo nalang ng kayo . kesa makasama yang baliw na demonyong lalaki na yan

Magbasa pa
TapFluencer

Nakakatakot mukhang baliw na yan! Wala nang dapat pa itanung kung ano dpat gawin mo, hiwalay na agad. Obvious nman n hindi na matino pag-iisip niyan. Mamaya bka bigla nlang kayo patayin niyan pro wag nman. Nung una plang sana n pinagbuhatan ka ng kamay, hiniwalayan mo n sana. Mommy, isipin niyo po anak mo, and alam kong alam mo kung ano dpat gawin kya gawin mo na, at bka magsisi ka sa huli pg pinatagal mo p.

Magbasa pa
5y ago

Tama ka jan Monshie. Hindi na sya matino sa lagay na yan.

VIP Member

Be brave don't settle for less. Wag mong hayaan gawin ka nya punching bag. You are more than that. Pakatatag ka po para saiyo at para sa dalawang anak mo, ipakulong mo na sya please kasi baka ang buntunan nya ng galit yung panganay mo. Eh ano kung kasal kayo di bale ng broken family kesa ganyan durog na durog na pagkatao mo. Kawawa sa huli mga anak mo. Lakasan mo loob mo mommy. Praying for you.

Magbasa pa

Natakot ako sis sa mga text ng hubby mo...Nakakarelate ako kasi before ganyan ang ex ko binubogbog ako at kinakadena kaya nung binasa ko to kinabahan ako alam ko feeling mo..At kapag nalalasing ang hubby mo..Kung ako sayo sabihin mo sa magulang mo...Kahit nag banta cya sa nyo ganyan din sakin pinadampot ko cya sa pulis grabe sakripisyo ko kasali pa Kami pero ngayon hiwalay na Kami..

Magbasa pa

You know what? habang buhay mong pasan ang mundo kung hindi mo iiwan yung taong pabigat. Hindi lang ikaw ang masasaktan mas masasaktan yung mga bata. Wag mo na antayin mas maattach ka at mga bata saknya kc sa susunod kht hindi yan humihingi ng sorry patatawarin mo tapos ganon at ganon din ang gagawin. Mahirap maging single mom pero mas mahirap magpalaki ng bata at ng ulol na ama.

Magbasa pa
VIP Member

Pinakawawa jan ung panganay mo. Hindi mo alam na baka ma trauma sia dahil sa pinaggagawa ng asawa mo. Isipin mo ung anak mo. Wala na nga siyang tatay tas pagsasalitaam pa sia ng masasakit na salita ng dapat eh magiging pangalawang ama nia. Masakit un pra sa bata momsh. Lagi mong unahin kapakanan ng anak mo bago sarili mo. Nanay ka na. Mahirap sa una pero kakayanin mo yan.

Magbasa pa

Luh mami prang baliw na nga po ung asawa nyo sa mga chat nya bka po my sira na ulo nyan .. mas maganda wag kana mkisama sa knya mami nkakatakot ugali nya wag nyo na po antayin bka pati ung panganay na anak mo saktan nya .. mag iingat kyo sa knya mami nkakalungkot kasi pti ung panganay na anak mo nadadamay na nya .. at sana pag lumabas ung baby nyo mag bago na po sya 😔

Magbasa pa

NEVER TOLERATE DOMESTIC VIOLENCE! Dahil ikaw lang nagsa suffer ngayon pero later on pati mga anak mo magsa - suffer and you will not want that. You need to be strong and make a decision not only for you but for your children. Seek support from your family. Besides maraming legal ways to keep him away from you and your family kung talagang madedesisyon ka to do so.

Magbasa pa

Hi, sender hope you’re okay. Pero sana magawa mong iwan siya kawawa mga anak mo sa kanya at ikaw. Psycho yang asawa mo uulit ulitin niya sayo yan since hindi ka naman nag susumbong. Pwedi mo naman sya idemanda and gumawa kayo ng kasulatan na mag susustento sya para sa baby na nasa tiyan mo pa. baka mas worst pa mang yari sayo pag pinag patuloy mo pa yan. God bless.

Magbasa pa

Buntis ka pa lang pala ginagayan ka na tapos pinakasalan mo pa? Jusme. Mas mabuting maging single mother kesa araw-araw ganyan dadanasin mo. Magpasundo ka na sa pamilya mo kesa kung ano pang mangyari sa inyong mag iina jan jusko kakapal ng mukha ng mga ganyang lalaki post mo nga mukha nyan dito at nang mahusgahan kung may karapatang mag feeling yang hinayupak na yan

Magbasa pa