depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie may tinatawag po tayong women's desk sa lahat ng police station. E report mo po yan or else yung newborn mo din mag susuffer sa kakatakot mo sa kanya. Be brave para sa mga anak mo. Initially nga nung pinutukan ka niya sa loob na labag sa loob mo can be consider na as rape pero pinagpatuloy mo pa. Yung binagok ulo mo red flag na yun sana di ka nagpakatanga but anyways we can't cry over spilled milk na. Wag ka nalang magpakatanga ngayon.

Magbasa pa

Mukhang di po normal asawa mo mamsh. Alam ko po natatakot ka lng na baka kung ano gawin nya kapag hiniwalayan mo sya, pero mas mahihirapan ka kapag nkalabas na ang baby nyo baka hindi lang yan ang abutin mo sa kanya. Alam ko sobrang hirap ng kalagayan mo ngayon. Pray ka always mamsh😘 at mag isip ka narin po kung ano ang dapat at tama mong gawin para sayo at sa mga anak mo. Walang kwenta at walang respeto yang asawa mo napakahayop😡

Magbasa pa
VIP Member

huwag ka manghinayang kung kasal kayo. iwan mo na siya hangga't hindi pa siya nakakasakit ng iba, pag hinayaan mo lang siyang ganyan baka mapatay ka pa niya. okay lang maging single mom, ang importante kasama mo ang mga anak mo at safe kayo. kesa naman you will stay with a snake na anytime pwede ka tuklawin. ang mga lalaking ganyan na walang respeto, binabalatan ng buhay! jusko. pakatatag ka momsh. ipaPulis mo nang mabigyan ng lesson.

Magbasa pa

Parang Hinde tao tsk! Moms katangahan na masyado kung hinde mo siya iwanan! Sinasaktan ka Physical at emotional pati pa ung anak mo! Kailan ka kikilos pag napatay na niya ang anak mo? Kumilos kana habang maaga pa at yan palang nagagawa sayo! Walang silbi ang kasal kung impyerno namn ang buhay mo! Magsumbong ka, huminge ka ng tulong dahil hinde normal yang ginagawa niya sayo! May sira ata yan sa pagiisip ang asawa mo subukan mo ipadrugtest.

Magbasa pa
5y ago

Hindi naman po sya nag ddrugs pero adik po sa alak siguro po nalusaw na ng alak yung utak nya haha. Nakulong na din po yan dati dahil sa bugbugan pero nakakalaya kaagad kasi abogado tatay nya. Ewan ko lang ngayon kung matulungan sya pag sinampahan ko sya ng kaso 😅

VIP Member

Iwan m n yang aswa mo !!. Wala sya kwenta sorry s word. Ganyn dn ung una asawa ko s una ok kami nung nbunts ako sinasakal nia ako hnggng nklutang n paa k s sakal. Prang demonyo. Kaya gnawa ko 8mnths nko buntis inwan ko sya. At ngyun im happy for my new hubby tanggap nia ako ng buo pati anak ko isa. Wag m isipn n dhk s kasal kayu. Kysa namn saktan k lgue nyan at ung anak mh. Bka mptay kp nyan. Wag nmn sana. Ingt ka lgue en ur baby

Magbasa pa

May sakit sa utak partner mo sis. Di gawain ng matinong tao yan, kung nag banta na pala sya sayo di na malabong gawin nya yan. Antayin mo pa bang pati mga anak mo masaktan na din ng baliw mong partner? Kasi kung ako nsa kalagayan mo dibaling buhayin ko anak ko magisa kaysa minumura nya ng walang dahilan anong kinalaman ng bata porket di nya anak🙄 Ay nako daming lalaki jan, o mas better focus kana lang muna sa mga anak mo.

Magbasa pa

alam ko alam mo na kung ano talaga ang dapat mo gawin.. kailngan mo lng panindgan.. sana lng kpag nkaicp kna gawin ung tama sana lng hindi pa ndadamay mga anak mo lalo na yung anak mo sa una... mgdesisyon kna habang ikw plang nsasaktan nia wag mo n antayin na pati mga anak mo mkatikim pa saknya.. goodluck.. godbless.. lakasan u lng loob mo ndi sau yan ibbgay ng dyos kng d mo kya.... kayanin mo para sa mga anak mo... ❤

Magbasa pa

Sis, mabubuhay mo ang dalawa mong anak kahit wala yang asawa mo . Isipin mo ang mga anak mo kung habang buhay ka mag titiis sa lalaking iyan , hindi rason ang kasal kayo .. isipin mo nlng papel lang iyon . Kung mag titiis ka sa kanya pati anak mo madadamay , manganganak kapa sis . Prone tayo sa depression sis . Sino nlng gagabay sa dalawa mong anak . MAGDASAL KA HUMINGI KA NG LAKAS SA PANGINOON NA IWAN SYA ..

Magbasa pa

mamsh habang di ka pa nanganganak umalis kana sa kanya pls.. mas kawawa ka lalo pagkapanganak mo. sa ngayon baka makasama pa kay LO mo ginagawa nya. ipa dampot mo na yan habang maaga pa. kinakabahan ako sa kung ano pang mangyayari sa inyo ng mga anak mo. lalo na panganay mo. baka pagbuntungan nya ng galit mabogbog nya din. pls for the sake po sa mga anak mo. umalis kana sa kanya. ipa blotter mo na yan. 😔

Magbasa pa

Hiwalayan mo yan at umuwi ka sa magulang mo ! Ako 35weeks preggy ako at hiniwalayan ko tatay netong baby ko dahil ramdam kong di nya ko mahal at masama ugali ng parents nya. Di ka din liligaya at mgkakaroon ng masayang pamilya. Mas worst pa yang asawa mo sa tatay ng anak ko. Abnormal na yan at abnormal ka din kung di mo pa hiwalayan yan ! Isipin mo din yung anak mong panganay kawawa naman 😢😢😢

Magbasa pa