depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Makikinig ka kaya sa mga advice dito at gagawa ng legal actions? O tamang magbabasa kalang at papalampasin lahat? Dami ko ng kilalang ganyan, hihinge ng payo pero di gagawin. Kesyo mahirap daw kasi ganito ganyan, pag ayaw maraming dahilan, pag gusto maraming paraan. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa momsh. Bipolar yang asawa mo, pprotektahan ka ng batas lalo na at babae ka. Wag kang pakamartir may magulang ka pa. Wag kang pakain sa hiya na baka husgahan ka kasi pinili mo maging ganyan, mag move forward ka, pataas wag pababa.

Magbasa pa
5y ago

Wag mo na hintayin na manganak ka . Tssssk.

Omg may sayad ata yang lalaking yan .... Psycho path ata yan .... Sa umpisa bait baitan eh nung nabuntis ka na eh parang baliw sa mga chat nya .... Mommy pa kulong mo na yan ... Binugbug ka po sana may pictures mn lng as proof ng pambubugbug nya .... Sorry mommy pero sana makulong yan kc baka may mabiktima pang iba .... Save Other Girls po kawawa nmn next victim nya .... Pero as of now sana hnd ka ma stress sa situation mo ... Super nakakapanghina at nakakalungot sa ganyang lalaki mo pinagkatiwala sarili mo ...

Magbasa pa
VIP Member

Umalis kana sis. Mas importante ka at mga anak mo. Ipa blotter mo siya para di siya makalapit sa inyo. Sabihin mo lahat yan sa magulang mo kasi walang ibang tutulong sa inyo ng mga anak mo kundi sarili mo at mga magulang mo. Hindi worth magstay sa ganyang tao. Hindi mo alam kung anong pwede niyang gawin sainyo. Matakot ka nalang para sa mga anak mo lalo sa panganay mo dahil kung ikaw na asawa niya kaya niyang saktan paano pa yung anak niyo ng ex mo na kinaiinisan niya. Isipin mo mga anak mo.

Magbasa pa

Hello po, mukhang may problem na sa utak yung asawa mo, nakakatakot na yung mga salita nya and binubugbog ka pa. Wag mong hintayin pa na pati anak mo saktan nya. Hingi ka po ng tulong sa barangay at sa parents mo, ipablotter mo sya na kung may masamang mangyari sa inyo sya ang primary suspect. Pwede mo po sya kasuhan ng VAWC (violence against woman and children). Di po maganda sa buntis ang verbal abuse, nararamdaman po ni baby ang mga nararamdaman mo. God Bless po and stay safe.

Magbasa pa

Seek help po sa women's desk,patingin po kayo psychologist at ang bata for trauma,kapag nalift quarantine,may libreng services pong ganyan sa mga govt centers. Make a wise decision na isumbong siya if not,separate na po kayo anyway,saglit mo pa lang siya nakilala. Yung mas makakabuti sa iyo at sa well being ng mga anak mo ang mas unahin mo. Kasi po kapag hindi mo naagapan,hindi lang siguro yan maaari mangyari. Kapag hindi rin natigil alcoholism,malabo pong matigil pananakit niya.

Magbasa pa

Ika nga nila " know your WORTH" mommy hindi po dahilan na kasal at my anak kayo. Opo magtitiis hanggat kayang intindihin ang pag uugali pero if may verbal at physical na pananakit ibang usapan na po yun. Kung paulit ulit pong ginagawa bakit po kayo magtitiis sa ganung klaseng lalaki, toxic sa pamilya at pamumuhay yung ganung klaseng tao.... Baka sa susunod hindi lang bogbog aabutin mo. Baka mapatay kana ng saltik mong asawa. Hindi lang ikaw baka madamay pa anak mo. Tsk tsk

Magbasa pa

Punta ka barangay may VAWC don mag file ka ng kaso tungkol sa lahat ng yan at mag provide ka proof na binantaan ka nya na papatayin nya kayo. Wag na wag kang maawa sa kanya walang mangyayari sa inyo ng anak mo. Wag kana maghabol sa allaking yun buhayin mo sarili yung mga anak mo magpatulong ka sa magulang mo,maggalit lang sila pero tutulungan ka nila. Mag file ka doon ng may laban ka sa mga banta nya, magsama ka ng witness sa pananakit sayo para mas mapatibay yung kaso

Magbasa pa
VIP Member

Mamsh, sa tingin ko po dapat niyo na po siya hiwalayan. Nung una palang po grabe na po yung ginawa nya sayo para pumutok yung ulo mo at kailangan tahiin at buntis ka na po nun 50-50 yung kalagayan niyo ni baby. Gusto ko man pong sabihin na relax at wag magpakastress pero talaga pong nakakastress yung asawa niyo. Keri niyo po yan mamsh, sobra na po yung pambabastos niya sa pagkababae niyo, pagiging ina at pagiging tao. Isipin niyo nalang po yung mga baby niyo.

Magbasa pa

Jusko. Kasuhan mo na yan sis. Ikaw nga nasasaktan nyan e paano pa yung anak mo sa una? Kapag nagsama kayo baka dalawa pa kayong mapatay nyan. Baliw na yang ganyang lalake. Wag kang matakot kung kasal kayo, kayanin mo buhayin mga anak mo. Ipakulong mo yan ng mawala yabang nyan, makatikim ng bayag sa loob ng selda tignan ko lang. Ikaw ulo mo pinapurok nya, sya pag nalaman ng mga preso na nambugbog sya ng babae pwet nyan papaputukin nila. Please lang.

Magbasa pa

Hindi na normal na tao yan momsh. May sapak na yan. Wag mong hintayin na may mapatay or mapatay kapa nyang aswa mo na yan. Wag mong isipin na kasal kayo. Kaya mong mabuhay ng Wala sya, tumayo ka sa sarili mong paa kesa naman maging kalbaryo yang buhay mo ng kasama sya. Iwanan mo at wag mo ipakita yang anak nyo sakanya. Wag kang matakot na sa sinasabi nya, edi makukulong sya pag may pinatay sya sa inyo. Ipakulong mo na wag kang magtiis sa ganyang lalaki.

Magbasa pa