depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

192 Replies

Hmmm. Wala ka bang work sis or sariling ipon para pang support sa baby mo lalo na sa panganganak mo? If meron na, pakulong mo na yan tapos uwi ka muna sa fam mo. Nakakatakot yang ganyang lalaki. Mamaya hindi lang bugbog abutin mo, worst is mapatay ka pa nyan lalo na mukhang may sakit na sa utak yan or baka nagddrugs yan kaya ganyan. Pulis ba sya? Para kasing masyadong malakas loob eh. Magsabi ka sa fam mo, kakampi mo sila at sila ang makakatulong sayo. Ipunin mo lahat ng evidences mo sa mga ginagawa nya lalo na yung mga pananakit nya sayo pati verbal abuse sa anak mo. Malakas laban mo dyan. VAWC yan.

Hiwalayan mo na. Ang lakas ng Tama Yan sa utak😑 Wag munang isipin na mawawalan ng ama ang anak mo. Baka d mag tagal kau ng anak mo ang mawawala dahil sa asawa mong sira na ang pag iisip. Alam kung natakot ka sa sinabi nya dahil pinag bantaan ka. Pero huwag mo hayaan na ginaganyan kana ng asawa mo. May pamilya ka humingi ka ng 2long sa kanila. Lahat ng chat sau ng asawa mo evidence Yan. Lumaban ka Para sa sarili mo at anak mo. 👊💪 Mas Lalong kaawa awa ka Kung manganak ka na nasa kanya kapa. Isipin mo paanu ka na Lang at ang anak mo kung kasama mo ang asawa mong ang lakas ng saltik. 😑

VIP Member

Tsk tsk 😑 Bakit hinahayaan mo ganyanin ka esp yung first baby mo. Same tayo iba rin tatay ng panganay ko 4yrs old boy. Tapos kapapanganak ko lang netong April 4 sa baby girl ko. November 2018 lang kami nagkabalikan nung Ex ko na father ng Baby girl ko. Okay naman silang dalawa sa isat isa. Minsan napapagalitan ng hubby ko first child ko kasi sobra kulit. Pero hanggang dun lang. Hindi nya pwede masaktan yun kundi thankyou goodbye sya sakin. Mahal ko sya pero mas mahal ko anak ko... Hiwalayan mo na yan. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa... Sorry for the word momsh, kawawa yung mga anak mo.

Susko! Bat ko pa to binasa ng buo nakaka stress! I feel sorry to you momsh. Pero plz naman po wag puro takot paganahin mo! Kung palihim mong sinumbong sa polis yan baka mahuli na yan. Kung patuloy kang matatakot jn sa baliw mong asawa palagay mo mabubuhay din ba kau ng matagal sa piling nya?? Gets mo po ba? Sa ginagawa nya sayo ngaun hindi ba unti unting pagpatay na yan? Di lang sau teh! Pati na din sa mga anak mo! Walang kawala sa batas yan pag yan sinuplong mo. Tatagan mo sana loob mo para sa mga anak mo hindi dahil takot ka s mangyayari. Patulong ka sa magulang mo or sa kamag anak mo.

Iwan mo at ipakulong mo ng magtanda hindi dahilan ang pagiging kasal wag magtiis hanggat maaga pa specially kung nananakit na emotional stress at physicall abuse yan di na dapat pinapatagal specially merong involve na bata hindi madaling gawin anjan ako sa situation mo before pero lumayo ako kasal din with 1 child maraming beses ako umalis at bumalik pero mga pang 8 times talagang natauhan na ako at ang tanging tanong ko sa sarili ko noon kaya ko ba na wala sya so far nakaya ko naman at ngayon sobrang saya ko namin ng anak ko natanggal ko ang poison sa buhay namin

Haha sarap kasuhan yan ate lalo na kasal kayo at buntis pa. Panalong panalo ka kahit anong paawa sakin niyan diko iuurong ang kaso at hihingi muna ako ng danyos sa ginawa niya. Peste siya. Maging matapang ka after muna mangank huwag ka magdelete agad kang magpa medical kapag naano ianiya sis. Ang walabg hiyang yan! Tunuturuan ng leksyon yung ganyan tai. Walang silbi. Buti nalang di ganyan nakilala ko ngayon same tayo yung panganay ko 3yrs old and kasal nadin kami sbrang bait niya wala ako masabi. Sana magbago siya pag naturuan mo ng leksyon ang unggoy nayan

GIRL, ano pa hinihintay mo? My gad may PERSONALITY problem baka nga po disorder na eh. Seriously sis, pwede ka na mang mag ask help sa parents mo or sa trusted friends mo about sa situation nyo. Sorry ha pero kasi nakakainis ang excuses mo. Mommy kana ngayon and kahit natatakot ka, GAGAWIN mo lahat para ma palayo sa panganib mga anak mo. Pwede namang paguwi niya sa bahay or something may police na naka antay sa kanya eh diba? Wag mo na sis hintayin na may mangyari na naman sa inyo at dun ka nlg talaga susumbong sa police kung saan HULI na ang LAHAT.

Eto nanaman ako nakabasa nanaman ako nang isang kabaliwan. Hhooo! Mommy WAG NA WAG KA MATATAKOT SA BANTA NYA. Find a way na mka takas ka sakanya. Sumbong mo sa parents mo at ipa blotter mo na yan. Kahit pa kasal kayo WALANG SINOMAN ANG PWEDENG MANAKIT SAYI. PISTI sya..mommy ilabas mo ang tapang mo meron ka nyan.. para yan sainyo mag iina. Wag na wag mo na hayaan maulit pa. Dyos ko po naman.. madaming tutulong sayo sa lagay mo na yan ma sabi ka una sa parents mo or sa friend mo (trusted friend) at ipahuli mo na yan sa police. Baliw yang asawa mo. Tsssk!

Oo pananakot lang yan momsh. Layasan mo na yan. Bwesit na yan

Sis obvious naman po na dika nirerespeto, aanhin mo pa yung may tatay nga anak mo pera ganyan naman pakikitungo sayo. Be brave momsh iwan mo nayan, mas madedepress ka pag hinayaang mo ganyanin kanya. Sa ngayon piliin mo yung anak at sarili mo. Iwan mo nayang guy nayan napaka sama ng ugali. Tyka mo sya panghawakan kung minamahal ka nya talaga at dapat mahal nya rin anak mo sa una hindi yung ganyan. Isipin mo in the future pag lumaki laki na anak mo gaganyanin nya shempre makaka wawa ang anak mo kaya kung ako sayo momsh iwan mo nayan

Hello sis, I hope you’re okay. You’re a woman, not just a WOMAN. Know your rights as a woman and clearly it is a domestic violence. Tarantado yang asawa mo, yung ginawa pa nga lang nyang pagpaputok ng semilya nya sa loob violation against your right as a woman na. Nung una palang sanang pinagbuhatan ka nya ng kamay pinakulong mo na, pero naiintindihan kita kasi mas nangibabaw yung pagmamahal mo sa kanya. Pero ngayon, please make a move. VAWC ang pwede mong ikaso sa kanya, meron pong PAO na tutulong sayo. Kahit pa asawa mo sta

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles