COMMON SENSE OR KATANGAHAN?

Hi mommies, napapansin ko kasi na madami dito ang nagtatanung kung ano ba ito, kesyo ganito ba, bakit ganito, maya't maya magcocomment na basher. Ex: *POSITIVE PO BA? -May mga nagtatanung kung positive ba or negative ang isang PT after they do the test. Nakalagay naman sa instruction ng PT na pag 2 lines kahit malabo eh POSITIVE at 1 line kung NEGATIVE. Pag may pulang kumalat sa bahagya or walang line na gumuhit, sign na may defect yung nabili niyo. TIPS: Buy 2 or 3 PT to make it sure but if you're are not satisfied better consult an OB. *BUNTIS BA AKO? -I dunno kung anong klaseng trip yung mga nagpopost ng ganito or poll lang para sa points like status only without photo, hindi po namin alam kasi hindi namin katawan ang katawan niyo kayo lang nakakaalam unless more detailed ang sinasabi niyo. May iba naman mukha nila pinopost nila, aba yung tyan mo ba lumipat sa mukha mo? Ateng, di namin alam yan ang sagot namin kaya madaming naba bash ng ganyang post. TIPS: Much better take a PT, count or monitor your cycle or consult an OB. *ANO PO GENDER NG BABY KO? -First and foremost, hindi po kami mga ultrasound machine para malaman namin gender ng baby niyo through photo. Yes, may mga sign or yung sinasabi nilang supertitious beliefs na pag ganito ganyan ay babae or lalaki. Hindi po pare pareho ang nararanasan ng isang buntis o yung sign na ang dinadala niya ay baby boy or girl. Pano kung yung sabi sabi nila na ganito yung baby mo tapos ang labas pala ay babae o lalaki eh di nadisappoint ka, masasaktan kapa kasi umasa ka. TIPS: To make sure, better have your ultrasound to avoid disappoinment. *ABORT / SAFE MEDS FOR ABORTION -Ang daming nanggagalaiti at nagcucurse sa taong nagpost ng ganito lalo na pag naka "anonymous". Bakit mo ipapalaglag ang isang blessing na dumating sayo? Madami ang nagwi wish na magkababy tapos ikaw ipapalaglag mo lang? Saang lupalop ka ng mundo galing. Sabi nga nila, kung ano ang iyong ginawa dapat mung panindigan. Bakit mo ipapalaglag, para maging dalaga ulit? para hindi nila masabing single mom ka? kautusan ng jowa mung ayaw ka panindigan at pinagpipili ka kung sino sakanila? o hindi ka handa? Ang pagiging ina ng biglaan hindi mo kailangang sabihing hindi ka handa dahil nanjan na yan. Pag tinalikuran mo ang isang biyaya ibig sabihin may mas higit pang kahilingan ang gusto mo. TIPS: Learn to fight your own battle. Don't be afraid to stand on your own. Someday you'll be proud on what you have in the future. Don't ever take chances and blessings for granted dahil minsan lang dumarating ang isang biyaya sa buhay natin. *GANITO PO BA INIINUM NIYO? -Ito din madalas ko nakikita sa feed ko, madami ang nagtatanung kung yung gamot ba na vitamins na binigay ng OB nila ay same sa gamot na iniinum natin or safe ba. Bakit niyo tinatanung samin pare pareho ba idea ng OB ko at OB mo? Bakit di niyo magawang magtiwala sa binibigay na reseta sa inyo ng OB niyo? Hindi po lahat ng OB pare pareho ang nireresetang gamot depende ito sa kalagayan ng isang ina at hindi sila magbibigay ng gamot kung hindi mo ikabubuti at ng baby mo. May mga OB na nasasaktan din dahil walang tiwala sakanila kesyo baka mamatay yunh dinadala nila or baka kung ano side effect nito sakanila. TIPS: Learn or build your own trust with your OBGYN, they know much better than other, never compare what they prescribe a meds to you into the meds of other because every pregnant mom doesn't have mutual illness or feeling. If you don't trust your OB, seek for another help. NOTE: NAPAPANSIN KO PO KASI NA MADAMING NAKA "ANONYMOUS" NA COMMENTOR SA MGA POSTS NATIN AT BINABASH TAYO EH NAGTATANUNG LANG NAMAN. MADAMI ANG FIRST TIME MOM OR MATAGAL NA DITO KAYA SILA NAKAKAUNAWA SA MGA POSTS NA MINSAN NAGIGING KATANGAHAN SA IBA, KAYA DAPAT KUNG MAY IPOPOST MAN TAYO TIGNAN NATING MABUTI PARA IWAS MASABIHAN NG "BOBO, COMMON SENSE, TANGA, WALANG UTAK." #THIS POST IS NOT FOR JUDGMENT BUT FOR THE AWARENESS AND GUIDE TO THE MOMMIES OUT THERE WHO HAD EXPERIENCE WITH THE BASHERS.

Trending na Tanong