6weeks pregnant sac palang nakita. UPDATE! MAY BABY NAPO AND HEARTBEAT 10WEEKS PREGGY HERE

Hello mommies? Nagpa transv po ako kanina sad to say yolk and gestational sac lang po nakita. Normal po ba yun? Pinapabalik ako after 2weeks. Possible pa kaya magka embryo? Sobrang worried po ako. Sino napo nakaranas neto? Share naman po ng experience niyo. Nagbrown discharge dn ako nung isng araw e.#1stimemom#advicepls #worryingmom

6weeks pregnant sac palang nakita. 
UPDATE! MAY BABY NAPO AND HEARTBEAT 10WEEKS PREGGY HERE
41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganan din po yung sakin 😢 nung unang trans v ko walang makita kahit ano kaya bumalik ako after 2 weeks then nung 2nd medyo nagkaron ng pag asa kasi nagkaron ng gestational sac at yolk sac. according sa measurement ng ys 6wks and 6days na daw tapos pinabalik ulit ako after 2 weeks then sa 3rd lumalaki nalang yung GS at YS ko wala paring baby dapat parang nasa 7wks and 4 dys. masyado na daw malaki yung gs at ys para magexpect pa kami na may mabubuong embryo 😢 anembryonic daw ako. iyak ako ng iyak kasi 1st baby ko to. at magpapakasal na kami ng jowa ko dahil dito tapos biglang wala pala 😭. sobrang nakakadisappoint. binigyan pa ulit ako ng another 2 weeks na walang binjgay na reseta. antayin daw kung kusa akong duduguin. kung hindi, saka ako bibigyan ng gamot pampalabas or raraspahin. wala pa kong naeexperience na bleeding or brown discharge. white lang discharge ko

Magbasa pa
Post reply image
2y ago

i feel u po ako tga check up ko sa ob ko nagtvs kme last tuesday tgal nya dun kaya pag uwi ko nagspotting ako at now nagccramps tyan ko takot ako kc nkunan na ako last preg ko sa 1st baby sana namin.. tpos now 2nd walang sac na makita 🥺🤧🤧😭😭🙏🙏🙏 sanasa tuesday balik ko may pagbabago na

TapFluencer

ako naman mommy pumunta ng OB nung 5 weeks and 3 days tiyan ko. Ang ginawang ultrasound saken eh yung normal hindi transV ang nakita ay sac palang pinabalik ako after 2 weeks to see if there's an improvement. sobrang frustrated ko that time kasi first baby ko ito pero nag decide akong pumunta sa different OB pagka 2 months ng tummy ko. Praise God nakita sya kaagad through TransV at healthy pa ang fetal heartbeat nya. ☺️ Keep on praying mommy at kausapin ang baby kahit hindi ka pa nya naririnig. Wag masyadong mag-isip or ma stress mqkqkq affect yun kay baby. Eat healthy foods too and take your vitamins everyday. Godbless you and your baby 👶♥️

Magbasa pa

Just sharing. First PT ko is Dec. 1, positive. Then nagpaconsult na kmi agad ng partner ko sa OB-Gyne by Dec. 3. Pinagtransvaginal utz din ako right away, at sabi Ng OB, 6weeks and 1day same sayo mommy. Sa case ko, may Nakita nang embryo si OB, and normal din Naman lahat patio heartbeat. Better to get second opinion mommy, para Malaman mo na din agad kung bakit Ganon, well may instances Naman na gaya sayo at sa Ibang mommies. Basta pray lang palagi. God bless.

Magbasa pa

Ako mi, first check up ko 5weeks and 2 days, walang heartbeat.. yolk and sac lang din.. tapos niresetahan ako ng pagkarami-raming gamot (pampakapit, vitamins, at may capsule na nilalagay ko directly sa papasok sa loob ng pwerta) then after 2 weeks bumalik ako, that time may heartbeat na.. Ngayon 18 weeks na ako.. Sundin mo lang mi ano sabi ng OB.. 💛😘

Magbasa pa

same po tayo. nung 6 weeks po ako sac lang po at yolk. sabi pa ng first ultrasound ko possible for ectopic pa kasi sobrang sakit niya sa left side. pinabalik ako 2 weeks after, ika 7 weeks and 3 days ko na non, may nakita ng embryo at heartbeat. sobrang happy ko at ng ob ko. pray ka lang po always.

Magbasa pa

Hi momshie! Ganyan din akin 5 weeks and 3 days palang ako nun, hindi nga ako makapaniwala e. tas after 2 weeks balik ako meron na may heartbeat na din. ♥️ Masiado daw kasi maaga pa nun 5 weeks o 6 weeks. lagi daw 6 to 8 weeks makikita if may heartbeat na. kaya now i'm 14 weeks na. 💜

While waiting sa 2weeks, kain ka ng maganda para sa heartbeat ni baby. Noong nasa dubai ako nag bubuntis non lagi akong pinaglalagaan ng asawa ko ng Itlog. Once a day na boiled egg. More spinach and green foods ako 🤗 sana maka help. Wag masyado mag worry. Pray po kayo it helps. ☺️

Sakin po 6weeks and 4days that time may embryo na kita na si baby at may HR na rin po. Pray lang po. Nagtake din ako duphaston as perscribe by my OB. Ngayon po 12weeks na si baby ko sa tummy and praying na maging healthy sya at normal. ☺️

Post reply image

ganyan din sa akin, 6w ako nun gestational sac plng din..niresetahan ako ng on ng duphaston at folic acid lng. tapos bedrest. after 2 weeks bumalik ako for 2nd tvs, may embryo na at hb. pahinga ka lng mommy at inumin yung irereseta sayo ni doc. tapos pray ka din 🙏

Same case ako nung 5 weeks and 5 days ako ganyan na ganyan nangyare pinabalik ako after 2 weeks repeat transV ayon bumuo sya laki na agad gawa ng matakaw daw ako nag ka heartbeat agad sya nung 8 weeks ako now im 11 weeks preggy!! Maselan at bed rest nga lg ako

Related Articles