KAYA MO YAN ?

To all mommies na walang budget while pregnant, kaya nyo yan! Ganyan na ganyan ako nung buntis ako sa 1st baby ko, wala kaming ipon ng partner ko hanggang sa manganak ako, 5k lang pera namin. Ni wala akong personal na ob. Sa center and lying in lang ako nagpapa check up. 1st trimester lang din ako nag vitamins, sa tita nya lang na ob lang kami nagtatanong kung anong dapat gawin (through chat) and nagse save lang kami ng 1k tuwing sahod nya if ever na need ko magpa laboratory. Yung mga gamit ng baby, karamihan bigay lang. And nakabili naman kami kahit isa isa lang. Sa awa ng Diyos, normal naman si baby. Healthy kahit na tamad ako maglakad lakad kahit kabuwanan ko na. 16hrs ako naglabor pero 3hrs ko lang naramdaman yung tunay na sakit kase sanay ako sa sakit ng katawan. 4mos na si baby boy ko ngayon, yun nga lang may atopic dermatitis sya kase may asthma ako and yung papa nya sensitive skin. Di siguro maganda combination ng genes namin? ? Kaya sa mga mommy dyan na sa tingin nila pera ang problema, hindi po yun problema. Ang mahalaga ma survive nyo yung pang araw araw. And continuous yung breastfeeding ko kay baby. Nag Natalac pa talaga ako nung pagkatapos ko manganak, ayun oversupply tuloy ako. ? Pray lang kay God na gabayan kayo lagi and be thankful sa blessing na binigay nya. PS. Mas maganda po talaga breastfeeding, never pa po nagkasakit si baby ko, kahit sipon or ubo. Normal naman po lahat, sensitive lang talaga balat. ? Wag mag overthink, mag isip ng solusyon kesa mamroblema. Magtulungan kayo ng asawa/partner nyo. ?

1 Replies

Thank you, mommy. Needed this so much lalo na sa financial situation namin ngayon. God Bless you :)

No worries mommy. Madaming mommy din dyan especially sa mga di naabot ng center, healthy babies naman ang meron sila. Mas maganda kung less medicine kase chemical din yan sa katawan.

Trending na Tanong