Pananakit ng puson at balakang

Hi mommies i'm 35 weeks and 2 days ngayon normal lang ba na sumakit yung puson at balakang yung feeling na para akong rereglahin tapos kada lalakad ako parang may malalaglag sa private part ko. Isa po kaya sa dahilan kung bakit ko to nararanasan is yung pag lalakad ko ng maaga pa sa duedate ko? Umaga hapon hanggang gabi nag lalakad lakad nako at medyo malayo yung nalalakad ko ayoko pa sana mag patagtag kasi baka mag preterm labor ako pero advice nila sakin na mag lakad na ng mag lakad. Please respect may post Ftm here

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sino po ba ang nag-advise na magpatagtag kayo before 37th week? si OB lang po ang sundin nyo, mi. minsan po, mas nakakasama pa ang advice ng mga tao lalo na if di naman po nila pinag-aralan yun. pacheck-up na po kayo sa OB nyo para po maagapan in case pre-term labor na po.

2y ago

yung byenan ko po ang nag advise ayoko man sundin pero no choice ako lalo kapag kinukumpara ako sa ibang Buntis na kakilala nila. pero nag stop nako kasi nag pa consult ako sa OB ang sabi wag daw muna mag patagtag masyado lalo wala pa ko sa 37 weeks