Baby scars
Hello mommies! I am a first time mom and malapit na mag-9mos old si Lo. Share ko lang po. When I was just a kid, alam kong sobrang likot ko noon. Hindi pa uso gadgets kaya naman laman ako ng lansangan noon. Kung kaya't di maiiwasan ang pagkakaron ng sugat.. At isa pa, since may alaga kaming aso, di ko malaman kung bakit ako lang ang paboritong kagatin ng mga kuto ng aso. Elementary ako noon when I noticed na bumagal paggaling ng mga sugat ko kaya naman nagdalaga ako na may mga peklat sa binti. Kaya ngayong may baby na ako I promised to myself na hindi ito mararanasan ng baby ko. Pero bakit po kaya ganon, parang namana nya sakin yung balat ko. As seen in photos, my baby got these peklat at 3mos old. May dogs kasi dito samin. Malinis naman kami sa gamit pero di maiwasang may nakakalusot na kuto ng aso. So ayun po, 3mos old si baby nang magkaron ng kagat. Malapit na sya mag-9mos pero til now peklat padin po. I even bought After Bites from Tiny buds para sa mga bagong kagat pero di parin nawawala. Normal lang kaya ito?#firstbaby #pleasehelp #1stimemom #advicepls #babygirl #scars