Hormones lang ba to?

Hello mommies! I am 38 weeks pregnant na po and super excited na to meet our 1st born. Napapansin ko lang po lately na sobrang sensitive ko, kahit di pa man lumalabas si baby ay nakakafeel na ako ng selos. Kasi yung in-laws ko excited din sila sa 1st apo and pamangkin, and always sila nag oofer na sila daw magbabantay kay baby. Sabi ng mother-in-law ko gusto nya sya mag bantay kay baby Mon-Fri tapos pag weekend naman daw si sis-in-law. Di nalang ako nag rereact, pero sa totoo lang di ko gustong sinasabi nila yun. Para bang feeling ko wala silang trust sa akin or what. Gusto ko na tuloy ipagdamot si baby sa kanila, ako yung mommy so dapat ako yung mag alaga ng anak ko. Isa pa nakikita ko kung gaano sila mang spoil ng mga bata at ayaw ko ng ganon, ayaw ko ma spoil ang anak ko. Di ko sinasabi sa asawa ko yung nafefeel ko kasi baka ma misunderstood nya. Normal lang ba to mga mommy?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ay mii mahirap yan to go through. Ako din, i have those feelings of wanting to ipag damot si baby. 36 weeks ako bukas though i've been getting that feeling medyo matagal na. Side kasi ni hubby, mahilig sa mga baby. One instance, ung cousin kasi ni hubby nag ka baby and mag 3 months palang ata baby nila nun but hubby's cousin (high schooler - girl) was carrying the baby and went away pa sa eye sight nung mom and she was alone. The mom was okay with it but if that was me, gusto ko nasa eye sight ko lang si baby. At that moment sinabi ko kay hubby gusto ko ng carrier para hindi pinapasa pasa si baby. One time din nag visit kami sa bahay ni hubby and andun mga tita niya, sabi niya pag daw pumunta kami sakanila kasama si baby hindi kona daw mahahawakan si baby kasi they will want to carry him. Ayoko naman din yun 😅 It feels weird na gusto ko ipagdamot si baby but something tugs on my heart din just like you. Kung masabi nila na dun mag sleep si baby na ilang months palang and without me? Ay feel ko di talaga ako papayag mii. Kahit na marunong sila mag alaga and all, you need your baby just like how your baby needs you. You need to be able to mother your own child. Extra hands and help is great but they need to allow you to practice your role. Medyo excessive ata if mon-fri mother in law tas weekends si sis in law. Isa din yun, they have different parenting styles din niyan that we may not want for our child. I wouldn't want my child picking up bad habits from hubby's side and even my side if ever. Hubby and I would need to lay rules down for our child para alam din ng mga nasa paligid niya how we want to raise him. Mahirap na situation din but as moms we will have to speak up once the time comes. Try speaking to your hubby about it mii bago manganak para nandun na expectations mo and your in laws. Si hubby na bahala dapat sa side niya. Wishing the best for you mi and have a safe delivery ❤❤

Magbasa pa