Hi mommy! Sa mga lists mo wala akong nabasa na water, kaya po dapat more on water po lalo na after magpadede kasi nakakadehydrate po ang pagpapadede saating mga mommies. And continue lang po sa pagpapalatch kay baby kasi si baby lang po ang makakatulong saatin para maparami ang supply ng gatas natin. Kung nagpapaunli latch po kayo pero wala pa ring nangyayare, we need to consider kung tama ba ang paglatch niya? Kasi kung unlilatch nga po pero mali ang latch niya wala rin po, ang tendecy sasakit lang ang nipples kasi mali po ang paglatch. Tongue tied ba po si LO mo, kaya nahihirapan siyang maglatch? May mga ganung cases po kasi kaya naapektuhan ang production natin ng milk. If you want to increase your supply, mag-join ka po sa fb group na Breastfeeding Pinays para mas ma-guide po nila kayo kung paano ang tamang pagpapabreastfeed kay baby. 😊 And mommy, tuloy ka lang po sa pagmamalunggay o kaya papaya, wala nang mas makakatalo pa sa mga yan para magkagatas tayo, and of course, drink plenty of water because it really helps, kahit hindi ka masyadong uhaw inom ka pakonte konte. Hope this helps! 😘
Magbasa pa