Work
Hi Mommies, gusto ko lang po sanang humingi ng advise. I will return to work on Monday after 2 months of bed rest, Im currently on 24th week of my pregnancy. Nakapag pacheck up na din po ako sa OB and High Lying na po yung placenta ko. Ang concern ko po is naninigas po yung tyan ko pag napaparami ng lakad, mag cocommute lang po kasi ako papuntang work. Triny ko po kasi kagabi na pumunta sa mall though naka car naman po kami papunta and pabalik. Sobrang nanigas po yung tyan ko, feeling ko po hindi ko kaya ang commute to work. Sabi ng OB ko po is okay lang daw po yun as long as na hindi consistent or every 5 mins. Kaso po kinakabahan ako kapag nag spotting pa po ako ulit, diretso na po ako ng delivery room. Ano po sa tingin nyo mga Mommies? Papasok na po ba ako or mag iindefinite leave na lang po hanggang sa manganak. Thank you po.