REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you po sa pagshare ng happiness nyo nung time na binigay ni Lord yung pinakamasaya at pinakamagandang blessing sa isang couple. Tunay po napakasarap balikan ng nakaraan lalo na at alam mong nung araw na yun ay dininig ng Diyos ang ipinagdarasal nyo. Sana lahat tayo ay maging isang mabuting magulang sa ating anak at sa mga magiging anak pa sa hinaharap. 😆 Di man lahat ng Mommy dito ay pinalad na magkaroon ng isang responsableng maging katuwang sa buhay at di matawag na may matatag at kumpletong pamilya sa ngayon, pilitin natin punuan ng pagmamahal ang lahat ng pagkukulang na di naibigay ng ama ng ating mga anak. Wala kang karapatan panghinaan ng loob kaibigan, tandaan mong ikaw lang ang inaasahan ng anak mo... Magiging matatag ka. Dasal lang, magtiwala ka lang na magiging okay din ang lahat. 🙏

Magbasa pa