REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kinabahan ako momsh hahaha kasi college student palang ako e. dalawa yung tinake kong pt. yung pangalawa dun na ako umiyak sa cr yung iyak ko non mahina lang hindi hagulhol haha kasi nasa bahay ako ng partner ko nun. dalawang beses yun nag positive akala ko kasi unang take false alarm lang ganern. natakot ako malaman ng parents ko di ko alam sasabihin ko lalo na sa mom ko tsaka sobrang kabado nadin start pa naman yun ng pasukan. Bale pumapasok pa ako nun habang buntis ako di rin naman ako naging maselan kaya goods lang. tapos nung pinakita ko sa partner ko yung pt ko napangiti siya tas ang saya pa niya kasi magiging daddy na daw siya ganon gusto na nga niya sabihin sa mom niya agad e. di pa ako ready kasi wala talaga akong alam sa pagaalaga ng baby siya sanay na sanay na. nung nalaman naman ng parents ko hindi ako pinagalitan, pinagsabihan lang nila ako na maging responsable na magulang sa magiging anak ko. ngayon wala na akong acads na iintindihin kundi ojt ko nalang para makagraduate ng college kaya goods naman na tska mas excited pa sila samin ng partner ko lalo na yung mom ng partner ko ang dami agad gifts ni baby hehe. kaya ang gagawin ko pagkalabas ni baby this coming august mag stop muna ako for 1 year para maalagaan siya. kahit na may mga dumating samin ng partner ko na downs di parin namin iniwanan yung isat isa lalo kami naging strong. now naman nagbago na siya and sincere yung paghingi niya ng tawad. thankful din ako sa kanya kasi nagwwork siya para samin ni baby kaya pag nakahanap ako ng work agad after college ako naman babawi sa mag ama ko. ☺️☺️☺️

Magbasa pa