REACTION! ??????

Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wierd ung sa akin. 3 years kasi namin hinihintay magkababy.regular mens ko kaya every time n anadedelay ako ng 5 days or more nagppt ako. Pero madalas bigo mga 8-10 pt siguro ako. Nitong january nadelay ulit ako tapos ang tagal na talaga hanggang sa tinatamad n akong mag pt. Kinagabihan ng january 20 nanaginip ako na pregnant daw ako. Pagkagising ko sabi ko sige na nga makapag pt na para malaman jnauary 6 kasi dapat mens ko. Ayun wala pang 1 min nakita ko nantwo lines tuwang tuwa ako at napapaiyak at halos patalon talon. Inawat ako ng nanay ko sabi nya sge malaglag yan ahahha. Excited din sya eh. Si husband naman nasa work panggabi pagkasend ko ng pics sa messenger nya aba bigla umuwi ng bahay nung maconfirm nya ayun di na makausap. Binalita na sa fb at mga kamaga anak ninong ninang na magkakababy na kami. Hehhehe. Chat ng chat eh..heheh ako nmaan pinicturan ko sya habang busy sya magchat. Ahahah

Magbasa pa