Minsan hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Almost 8 years na kami together. Mabarkada at pala inom siya nung nakilala ko siya. Tinanggap ko yon kahit minsan soooobrang nakakabiwisit na pinag gagawa niya. Kapag pinapayagan ko siya, inaabuso niya. Hindi ko alam kung OA lang ako dahil gusto ko nag a-update siya. Pumupunta siya sa barrio nila, mag-overnight tapos magdamag din na walang update. Kamustahin lang kami ni baby, wala akong natatanggap. Lagi niyang ginagawa yon kapag kasama niya mga barkada niya though wala naman mga babaeng involve (sana nga.) Pinoprovide naman niya lahat pangangailangan namin. Kaya hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin#advicepls