Mother-in-law na naniniwala sa mga pamahiin, nakakastress

MIL ko ma pamahiin. Binyag palang ng anak ko, kung ano ano binabawal. Bawal daw design na clouds or rainbow. Kasi rainbow boho po theme niya. Maski butterfly theme ayaw din niya. Tapos meron na naman, yung time na ayaw sumama sa kanya ng anak ko, ang ginawa ng mother in law ko, pina albularyo ung anak ko. Kasi daw parang takot daw. Ayaw kasi lumapit sa Lola. Tapos pinaka nainis ako is yung damit ng anak ko, pinatapon niya, kasi ayaw niya daw yung kulay. Tinatanong namin kung bakit, hindi na siya sumagot. Na-i-i-stress ako sa mother in law ko. Ano po pagkakaintindi niyo sakanya? Pinag ooverthink niya lang ako tungkol sa apo niya. Andami niyang pamahiin.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag usapan ninyong mag asawa. anak niyo yan. wala naman masama sa pagsunod sa belief niya. ang masama is pinipilit niya sainyo. you should know where to draw the line. maging assertive ka din as a mother kasi kung sunod ka nang sunod sa mga pamahiin ng mil mo tapos nakikita ng anak mo at asawa mo, kaninong authority pa susundin nila? sa mil mo? wag maging people pleaser sa mga in laws. ang biyan mo ng halaga ay ang welfare ng mga anak at asawa mo. but make sure to let her know whose authority should be seen as effective so she knows where to stand. put her in her place respectively. kaya ang mil ko di masyado nakikialam because i demand respect with my decisions sa family ko. kahit sabihin niya ganto ganyan hindi ko sinusunod at kinakausap ko din siya respectfully kung bakit ayaw ko sa mga suggestions niya.

Magbasa pa