Mother-in-law na naniniwala sa mga pamahiin, nakakastress

MIL ko ma pamahiin. Binyag palang ng anak ko, kung ano ano binabawal. Bawal daw design na clouds or rainbow. Kasi rainbow boho po theme niya. Maski butterfly theme ayaw din niya. Tapos meron na naman, yung time na ayaw sumama sa kanya ng anak ko, ang ginawa ng mother in law ko, pina albularyo ung anak ko. Kasi daw parang takot daw. Ayaw kasi lumapit sa Lola. Tapos pinaka nainis ako is yung damit ng anak ko, pinatapon niya, kasi ayaw niya daw yung kulay. Tinatanong namin kung bakit, hindi na siya sumagot. Na-i-i-stress ako sa mother in law ko. Ano po pagkakaintindi niyo sakanya? Pinag ooverthink niya lang ako tungkol sa apo niya. Andami niyang pamahiin.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakaharap din ako sa parehong sitwasyon kung saan ang mother-in-law ko ay nagmamanipula ng mga ‘masuwerte’ na ritwal para sa baby ko. Ang ginawa ko ay tinanggap ang kanyang mga paniniwala at mahinahong tinuro kung paano natin maiaangkop ang mga tradisyon niya sa ating sariling pagpapamilya. Halimbawa, nakahanap kami ng paraan para isama ang isang ritwal na may personal na kahulugan sa amin, na nagbigay din sa kanya ng pakiramdam ng pagiging kasama. Mahalaga ang malinaw na komunikasyon at pagpapakita na pinahahalagahan mo ang kanyang opinyon habang ipinatutupad ang iyong sariling mga desisyon.

Magbasa pa