18 Replies

Ganyan tlga mamsh pag public hospital. Kasi ang OB din na tumitingin pag public hospital iba-iba. Mostly ang inaaccommodate nila ung tlgang emergency na or naglelabor na. Ako non, nung namatay na ung twins sa tummy ko 2 public hospitals kmi pmunta. Nag-alala kasi family ko baka mapano ako. Sa Jose Reyes hindi din ako inasikaso. So balik sa Dasca. Sa Dasca nmn pinauwi Lang din ako after bigyan ng gamot na pampahilab Para mag labor ako saka Nila ako a asikasuhin. Kaya now that I'm again pregnant, sa private OB ako regular nagpapacheckup, tapos kumuha Lang din ako ng slot sa Dasca again. If ever na madali Lang ang delivery ko, Dasca ako Para hindi mahal. Pero in case of emergency, dun ako sa private hospital Kung San nagpapaanak OB ko. I just made my OB aware of my birthing plan and okay nmn sa knya.

Yan din talaga Ikinakabahala ko dahil sa public hospital lang ako manganganak, pero nagpa record naman ako. Sinunod ko lahat lab tests, vitamins etc. Kasi bukod sa mura lang ang bayad, ito lang pinaka malapit saamin na hospital, may semi private na hospital kaso malayo. Hayst sana naman hindi ganun mga Doctors/OB/ Nurses sa hospital na aanakan ko 🥺. First time mommy ako, sana I guide nila ako 🙏❤️. Mommy pray lang po at sana manganak ka ng healthy at safe.

ano bang sabi ng ob mo. you have had the conversation with your ob kung san ka manganganak, at kelan. if malaki baby, hindi ka ba iCS nian? kasi kung CS ka, scheduled yan unless may iba kang symptoms na manganganak ka na. talk to your ob para maintindihan mo anong gagawin mo. hindi dapat er ang mag dedecide oe mag ssched king kelan ka manganganak. dapat nasa convo nyo na yan ng ob mo da monthly check ups nyo

Sa panganay ko mii, kung san ako nagpapacheck up na hospital dun din sana ako dapat manganganak kaya lang yung mismong day na tinanggihan ako kasi wala daw ako donate na dugo incase na macs ako(Pumutok na kasi panubigan ko) kaya no choice kami , Lipat kami sa ibang public hospital . Diretso ER na kami dala ko lahat ng docs ko inasikaso naman kami kahit wala akong record dun. Baka pwede din dyan sainyo.

Pwede ka po manganak sa St. Matheus sa San Matep, Rizal po. Medyo malayo sa inyo pero sure na sure kang aasikasuhin ka nila and the good thing is maraming nanganganak dun na sa malalayo din nakatira gaya ng Valenzuela, Caloocan, at mga taga Bulacan at Cavite. Dun po ako nanganak, wala akong check up ni isa sa kanila pero inasikaso agad ako pag dating ko dun, CS po ako sa rainbow baby ko po.

Hello mommy, ano po hinihingi nilang record doon? November po ako manganganak via CS. Meron po kaya sila?

hmmm panong di ka nila inaalala sis? hindi nadiscuss birth plan mo? may iba kasing mommies lumalagpas din sa due date. pwede ka magpa ultrasound ulit para macheck status ni baby (pacheck up ka na din sa ibang ospital/ob para may record ka). kasi kung hindi pa bukas cervix mo at no signs of labor iaadvise ka nila kung ano magiging birth plan, baka need ka na iCS ganun.

ganyan tlaga mostly kapag public hospital kaya if may budget magipon para sa lying-in or private hospital. need muna ung nag-aagaw buhay ang pasyente bago tanggapin. dito samin 2am palang mga buntis nakapila na grabe. tpos itrato ka prang hnd ka tao. sad but yan ang reality ng oublic hospital dito sa bansa.

nagwoworry din tuloy ako at public hospital maanakan ko soon , khit gustuhin man na parang di kakayanin hays. tapos Wala pa record pag 7mos.Na daw kahit once pacheck up ako dun sa ospital para lang magkarecord, sa center lang Kasi ako nagpapacheck up, sabay sa ob Naman na private Minsan kapag may iniinda akong di maganda .

yung dito samin mi, per schedule kasi ung sa ospital, hindi pwedeng walk in sa OB-OPD, kaya nanghingi ako referral para makapag pacheck up ng walk in sa ospital po. sana mabigyan ka rin ng referral pra ob na mismo titingin sayo :)

Mii wait mo po baka hindi ka pa naman nag lalabor, kz minsan hindi tlaga akma ang ultrasound at yang bilang natin. Minsan advance at minsan Late. Nakadipende po yan kay baby sa loob. Basta wag lalagpas ng 40weeks. PauLtrasound kna din if naka pwesto na c baby or sa I.E if bukas naba ang Cervix mo.

Ilakad mu lang yan ng ilakad mii. Ganyan din ako sa panganay ko ilang days pa ang lumipas bago ako naglabor. Nakapag mall pa nga ako hehe kaya mo po yan. Kauspin mo c baby.

dun ka makipag usap sa ob m sis,. public hosp ba yan? kasi if sa private for sure aasikasuhin ka agad. (money talks ika nga) may admission slip kanaba? ob m magbbgay nun sayo and un ung ippakita m sa hosp

Trending na Tanong

Related Articles