SEPTEMBER 2022
Hi mga soon to be momsh. Sino po dito naka due ng September 2022. Kamusta po mga nararamdaman nyo? Praying na maging maayos ang ating pregnancy journey. #1stimemom #firstbaby

Currently, I'm on my 11 weeks and 5 days na. Since day 1 ng pregnancy ko wala kong nararamdaman na hilo, pagsusuka or kahit ano until now kaya di ako nagsuspetsang buntis ako hehe. And nasakto pa na nagkatrangkaso ako so na-mindset ako na "ma-dedelay ako" and akala ko magkakaroon na ko kasi nagbreakouts ako although nagtaka ako bat parang ang lala yata ng mga pimples ko ngayon sobrang dami so ayun di ko pinansin. Nagdecide lang ako mag PT nung naisip ko "matatapos na yung January wala pa rin yung period ko" sobrang kabado ako nun mga mamsh kasi nga nagkasakit ako at kung ano anong gamot ininom ko kasi ang lala ng trangkaso ko nun. Tapos ayun nga, unang PT ko mamsh sabi sa instructions after 3 minutes yung results pero jusme seconds lang ang linaw linaw agad ng 2 lines. Natakot ako para sa baby ko kasi iniisip ko okay lang ba sya, and sobrang pray ko that time na sana wala naman nangyaring di maganda. Nagpacheck up agad ako and kinwento ko kung bakit di ako aware na pregnant ako. And ayun nga may nainom nga kong bawal "DECOLGEN" so ang sabi TVS ako, 7weeks and 6 days na si baby sa tummy ko and thankfully may heartbeart na din sya at walang bleeding na nakita although sinabihan ako na wag kaligtaan na magtake ng folic acid lalo't nakainom ako ng di pwedeng gamot sa buntis. Sa ngayon mga mamsh, may times na sumasakit puson ko (hindi everyday) and tolerable sya at saglit lang yung sakit nya based sa mga nababasa ko dito normal daw basta saglit at walang bleeding/spotting dahil nag eexpand ang uterus natin. Pero itatanong ko pa rin sa ob ko this Saturday for my monthly check-up to make sure. Stay safe sa atin mga mamsh. Enjoyin natin yung pregnancy journey natin. Magkaroon tayo ng positive outlook. And iwas stress tayo ♥️
Magbasa pa


