Hindi nag bibigay si partner/mister

Hi mga sis. May isshare lang po ako. My baby is 11 months old. Hindi pa kami kasal ng boyfriend ko. at hindi pa rin kami magkasama sa isang bahay. Taga bulacan siya ako naman ay taga manila..but every 2 weeks umuuwi siya sa amin. Parehas kaming may work.. mas matagal na nga lang akong may work compared to him. Naiintindihan ko naman sitwasyon niya na maliit ang sahod niya. Gusto man niang magbigay,pero kulang talaga ang sahod niya lalo nat lately may mga dapat ipaayos sa kotse niya.. so ang ending ako lahat ang gumagastos pagdating sa bata. Diaper, vaccines, vitamins etc. Kaso napapansin na ng parents ko na bakit parang ako lang daw ang gumagastos. Ayoko naman masira ang boyfriend ko sa side ko. Kaya quiet nalang ako. Pero minsan naiinis na rin ako sa bf ko na parang mas priority niya pagpapagawa ng sasakyan kesa sa needs ng anak namin.. minsan kasi napapansin ko rin na lagi siyang nag iinquire sa online store ng mga parts ng kotse or something about cars. Yung pagintindi ko saknya, lagpas lagpas na. Kasi kung tutuusin kaya ko naman iprovide magisa ang needs ng anak namin. Kaso sa part ko,paano siya matututo. Lalo nat may anak na siya at di na siya binata.. Gusto ko man iopen up sknya kaso for sure ma mimisinterpret niya. Ayokong maging issue smen ang pera pero ung sense of resposibility niya as father? Parang d nia pa nararamdaman. Lalo nat alam niang kaya ko iprovide ang needs ng baby namin. Ano po kayang pwedeng gawin or sabihin sknya na hindi offending sa part niya?

18 Replies

Kausapin ng masinsinan at ipaintindi . Kamo yung Obligasyon at responsibilidad nya bilang tatay ng anak mo ay nakakalimutan nya na.. Di kailangang ma offend kung ang pag uusapan ay anak.

Kausapin mo sya: total ngayun may anak na kayo at lumlake nadin. Ano ba kamo plano nya sa buhay nya. Hanggang ganyan nalang ba? Ng mag kalinawan.. Maging open kayo sa isat isa

Momshhii kung Ayos lang po sainyo Ipa dswd niyo po siya karapatan ng Tatay na Bigyan ng Sustento ang anak. Okaya ipa Brgy niyo doon po kayo mag.usap ganun po kasi ang ginawa ko ee

Kausapin mo mamsh dapat share kayo. Kahit sabihin natin na kaya mo. Dapat kahit papaano mag abot sya sayo para sa needs n baby

Sa pgkka explain mo, parang single mom ang datingan sis. Buhay binata padin bf mo. Kausapin mo at humingi ka ng pang gastos

Require mo po na kada uuwi sya dapat may dala syang pangdiaper or gatas ni baby.

May kotse pero walang pera? Ano yun joke? Baka ubos pera sa parts nako.

Inuna pa kotse? Seryoso ba

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles