mababa ang inunan

Mga sis.. baka po may pwede kau maisuggest sakin? Im a 1st time mom.. I was diagnosed na mababa ang inunan last month.. as in nasa bandang baba sya malapit na dw s kuhelyo ng matris... Nagbleed aq last week, naadmit for 2days s hosp.. and bed rest for 30days ngaun.. Baka po may similar case kayo and possible suggestions po pra sakin? Thanks in advance mga momshies...

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kayo po ata momsh yung nag-ask dun sa post nung isang mommy. Anyway po, yung kwento ko 4 weeks palang may subchorionic hemorrhage na ako pero walang spotting. Binigyan lang ako pampakapit at bedrest. Ultrasound every 2 weeks. Pagka 6 weeks nagbleed ako. Baka daw sa subchorionic hemorrhage pa rin. At 10 weeks bleeding uli. 14 weeks un nakita na placenta previa ako kaya prone akong magbleeding. 17 weeks bleeding uli with contractions this time. Dito na ko pinakanagworry kasi unlike yung mga previous bleeding ko na 1 day lang, mas tumagal ito mga 3-4 days. Binigyan ako isoxilan on top of duphaston, utrogestan vaginal suppository at inijectionan ng terbutaline kasi sobra contractions parang lalabas si baby. Kinareer ko bedrest. As in sa bed lang ako kumakain talaga. Lahat pinapakuha ko sa hubby ko. At 21 weeks awa ng diyos high lying na ang placenta ko. Malakas na rin sumipa si baby. 24 weeks na ako today hoping na kayanin namin until 37 weeks. High risk na ako kasi first baby ko at 35 years old na ko. Thankful ako at hindi naman ako highblood so far at okay ang sugars ko. Hindi pa rin ako bumabalik sa work ko at most of the time sa bed lang ako. Di ako naglalakad lakad. Kaya yan momsh pray lang at wag pasaway 😊

Magbasa pa
6y ago

Welcome momsh! God bless din po!