mother @ 20

Hi mga parents, I'm 20 and pregnant for my 1st baby. Nabuntis po ako nung 19 and thankful naman kasi nakapagtapos ako ng pag aaral kaya lang alam ko pong hindi pa ako successful kaya It gives me stress not to be fully proud as a mother kasi madami pa ako pananagutan sa parents ko. Although my family accepted my situation, pati family ng partner ko, di ko po maiwasan madisappoint sa sarili ko dahil madami pa ako plano for my family. Minsan sovrang problemado ko naisio kong sana hindi nalang siya binigay saken, pero pinagsisihan ko na lahat ng stress na nadala ko sa baby while pregnant. Sobrang pressured po kasi ako kasi sa family namin may nabuntis nang 17yr old palang kaya sobrang iniwasan ko matulad. Pero I know ginusto namin gawin yun ng partner ko. Is 19 too young to get pregnant? Is a 20 yr old woman too young to be a mother? Para po sa matatandang mommies na pano po maging fully proud na buntis kana kasi gusto ko po ipost sa acct ko para malaman ng mga tao dahil masaya na din naman po ako, kaya lang naiisip ko ung mga ssbhin nila dahil "bata" pa ako? Salamat po

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I got pregnant a few months after graduating college. I have a job and everything is well with my family and his family. I am currently 21 years old and will give birth on April. I think there is nothing wrong with somehow feeling disappointed because I feel it too pero a child is a blessing and it's no ones business kung nabuntis ka nang maaga. As long as you're okay. You're baby is okay and okay kayo nang partner mo with each other's family then that's fine.

Magbasa pa

Im 25yrs old at alam mo sana mas maaga ako magkababy! Like ito ah my parents tell me na wala kming utang na loob saknila sa pagpapalaki at pagpaaral nila samin magkakapatid. Karapatan mo un bilang anak. Depende nalang sa anak if gusto nila ibalik ung favor sa parents nila. Kung hnd ka pa pala ready why nakipag sex? Its not too late pa, marami ka pang pwedeng gawin kahit na maaga ka nagkababy. Cheer up! Atleast supportive pdin ang parents mo at bf mo.

Magbasa pa

Nope, ‘wag ka mahiya, mamshie. Buhay mo iyan, don’t mind them atsaka 20 years old kana. You’re lucky kasi may baby kana sa ganyang edad, ang dami mo pang oras. 19 ako naging independent at 20 years old nung nagsasama na kami ni hubby at 6 months pregnant na ako ngayon. Ganyan din ako nung una, ayoko sabihin sa mga ka workmates ko baka ano sabihin nila ako kasi yung pinakabata sa work pero wala na ako pake kung ano man sabihin ng ibang tao.

Magbasa pa

I'm also 19 when i got pregnant with my eldest. In my experience wala sa edad ang pagiging mabuting mommy. It doesn't matter if you are young or old. It's how you can cope with the life of motherhood. Sating mga babae it's natural na lumabas ung pagiging mother natin pag anjan na si baby. You will instantly love your baby kahit nga di pa siya lumalabas. And magagawa mo Yung mga bagay na akala mo di mo kaya for your baby's protection.

Magbasa pa

Duh! Never mind kung ano man sabihin ng iba. At alisin mo sa sarili mo ung thinking na di ka naging successful! Stop comparing yourself sa magiging achievement ng iba. Nakaka-stress yan teh! Buntis ka pa naman. Besides, hindi naman lahat ng nakapag-graduate e naging successful. Be thankful na lang sa blessings na dumating sayo, ayan nasa tummy mo na. 😊 Look on a brighter side palagi para iwas stress sayo at kay baby. 😉

Magbasa pa

Hindi na natin maiaalis sa kanila ang mga opinyon nila sa pregnancy mo. That's something you have to accept. Ako 22 nabuntis sa panganay ko pero same pa din naririnig ko. Kesyo Im too young even though may stable job ako and ang by then BF ko palang. I guess there's nothing you can do but ignore them. If it will make you happy, post it. Pero ako di ko pinost dati. Pinost ko nung nakalabas na si baby. ☺️

Magbasa pa

HELLO MOMSHIES. NAGULAT AKO SABOG NOTIF KO ANG DAMI PALA SUMAGOT KAHIT MATAGAL NA ITO. I'M POSITIVE AND HAPPY NOW MY BABY BOY IS GOING ON 5 MONTHS HEALTHY. MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGREPLY PADIN AT SA MGA UPLIFTING ADVICE NIYO. TAMA PO KAYO LAHAT AFTER I GAVE BIRTH ALL OF MY DOUBTS HAVE FADED. SO THANKFUL NA MAGKA BABY KAHIT MAAGA ATLIS MAY DAGDAG NA RASON KA PARA MAG GO ON SA BUHAY. ❤

Magbasa pa

20 lang din ako pero preggy na ng 8 weeks. Wala namang masama sa pagiging ina ng maaga. Ang masama yung tinakbuhan mo resposibilidad mo. Post whatever you wanted to post as long as wala ka namang naaapakang tao sa ginagawa mo walang masama don. Wag ka paapekto sa mga taong walang ibang ginawa kundi manghila pababa. Di nakaka healthy sainyo ng baby yon. Masstress ka lang 😊

Magbasa pa

wla sa edad ang pgiging responsible mother. thank the lord for not every women are given the opportunity to bear a child. every child is a blessing and my reason si lord kng bakit sa dami ng dadasal na ma biyayaan ng anak, ikaw ang binigyan ng baby ni Lord. I think that alone is enough to be grateful na magiging ina kana.

Magbasa pa
VIP Member

Baby is a blessing... Okay lng na mom k n at 20, ang mhalaga mging mbuti ina ka. Pwede k pa rin mging successful at abutin mga pangarap mo habang lumalaki s bb mo. May kapatid akong nanganak at 19, working single mom s anak nyang 9 y/o. Mrami syang pangarap at mas inspired dhil s anak nya. Don't stress and always cheer up.

Magbasa pa