Ok lang ba maglakad?
Hi mga momshie, sno po dito ang buntis na nag wowork pa dn, ok lng po ba na maglakad everyday papasok ng work mga 20mins walk pag sobrang bagal po ng lakad. 3months na po ako. Thankyou#1stimemom #advicepls

Ako po ay 27 weeks na Ngayon. Pero ng bumalik na Ako sa work ko dahil face to face na. Walking distance lang din po Ang school sa akin 3 minutes lang siguro sa Bahay. Masaya naman po Ako dahil nga po excercise na din po. Naglalakad lakad din ako para. tingnan ang gawa ng mga bata sa classroom. Mga ilang linggo lang napansin ko madalas na manigas Ang tyan ko at medyo masakit pag naglalakad ako. Kaya nang April 19, 2022 follow up check up ko na banggit ko sa OB ko. Ok naman lahat ng Result ultrasound and laboratory. Nag IE Ang OB ko sa akin doon Nakita na OPEN na Ang Cervix ko. Maaring sa pagod or nasobrahan ng exercise. Kaya ito Ako Ngayon Bedrest Until Delivery. Hindi biro Ang gamot. July pa due date ko. Kaya Double ingat po tayo mga mommy.
Magbasa pa

