Share and advice
Mga Momshie share ko lang at kailangan ko din ng advice. Madalas kami nagtatalo ni hubby dahil lagi nalang nya sinasabi ang pangalan ng katrabaho nya which is naging katrabaho ko din kasi pareho kami ng trabaho ng hubby ko dati nag resign lang ako. Pag ganda ang pag babasihan masasabi ko na walang wala talaga ako. Maganda kasi yun at sexy. tuwing binabanggit sakin ng hubby ko ang name nya nasasaktan ako. Sabi pa nga nya sakin na may gusto pala sakanya 'yung babae. Kung nalaman nya lang daw ng mas maaga sayang daw. Pabiro nya sakin sinasabi yan sabay tawa pero tagos sa puso ko. Pumupunta nalang ako sa cr para hindi nya mahalata na nasasaktan ako at dun ko pinapigilan ang luha ko. Pakiramdam ko nagsisisi sya sakin. At kagabi nga nagkayayaan sila mag inom at lasing sya. Pag uwe nakatulog agad sya at nung madaling araw na nagising ako kasi binabanggit nya yung pangalan nung babae. Ang sakit sakit mga momshie. para akong sasabug! napapaisip nga ako kulang pa ba lahat ng pagmamahal na binibigay ko sa kanya? lahat ng pag aalaga na ginagawa ko? Hinahayaan ko sya sa lahat ng gusto nya. Mag inom, mag online game, at minsan kahit mag buhay binata. lahat! Kasi iniisip ko din ang kalagayan nya na kailangan nya din yun para makaiwas sya sa stress kakatrabaho. Minsan nga Hinihilot ko pa sya pag subrang pagod nya galing sa work kahit hindi ako marunong just to feel na marelax sya. Ang sakit sakit mga momshie. Hindi ko na mapigilan ang umiyak nun? Takot naman ako tanungin sya kung binibiro lang ba nya ako o mahal nya talaga 'yung babae. sino mas pipiliin nya? takot ako na baka bigla sabihin nalang nya na hindi na nya ako mahal. Pero hinahanda ko na sarili ko paulit ulit ko tinatatak sa isip ko na hindi talaga ako ang mahal nya. Ayaw ko din naman pagpilitan ang sarili ko sa kanya. 7mos pregnant po ako ngayon at sya ang sumisistinto sakin. Kailangan ko pa sya at hangat kaya ko pang mag titiis para sa anak ko gagawin ko. Balak ko pag nanganak at kaya ko na magtrabaho para mabuhay ko ang anak ko kung sakali man na hindi ako ang pipiliin nya. dun ko na sya tatanungin. Pero hindi pa rin ako nagbabago sa kanya ngayon kung paano ko sya alagaan ganun pa rin ang ginagawa ko kahit ang bigat bigat ng loob ko kasi sya pa rin naman ang bumubuhay samin. Iniisip ko lang para sa anak ko at sinasabi ko sa sarili ko na hindi nya ako mahal para unti unti ko ng matanggap.
Mother of 1 adventurous musician