kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kayo po ang magdedesisyon para sa sarili nyo mommy. You can take someone's advice pero ikaw pa rin po ang masusunod dahil that's your life. Kasi po kung may hindi magandang mangyari sa buhay nyo dahil sa desisyon nyo, hindi naman po sila ang magsu-suffer, kayo po so do what you think is the best for you. 😊

Magbasa pa