Pagsusuka Na Mapupunta Sa Hyperemesis Gravidarum
Hello mga momsh... Hirap talaga ng feeling pag suka ka ng suka. Kung ano kinain mo at iniinom sinusuka mo. Nag dry na lips ko, pero pilit ko parin umiinom ng tubig. Pag nag tuloy2 daw need ko magpa hydrate sa hospital para mapalitan yung tubig na inilalabas. ? Yung isa pang problema yung uhi ko konti lang lumalabas normal naman urinalysis ko. Hindi ako maka ihi ng madami. ?. Ayoko ma hospital, lahat na ng ways para ma tigil ang pagsusuka na try ko na pero walang epekto. Advise ni doc within this week pag nagtuloy tuloy na need na magpa confine. Hayst... Hirap ng ganito. 3months na akong buntis. Share ko lang po journey ko sa pagbubuntis ko. Welcome mga comments and suggestions or advise. Thank you and God bless. P. S sana po help nyo ako mag pray na maka survive sa pagsusuka ko.