Mga momsh. Yung baby ko 2 mos old na sya this November 28. Sanay sya sa karga. Gusto nya lagi lang karga kapag gising. Hindi sya nagpapalapag. Tapos kapag tulog naman sya, gusto nya lagi akong katabi. Babangon palang ako ng dahan dahan, gigising na agad sya. Basta pag di nya ako naaamoy na nasa tabi nya magigising talaga sya. Pano ko kaya magiging independent si baby? Nag woworry kasi ako na baka pag tumagal, ganun pa din sya.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din si baby ko dati mommy..super clingy...pero hindi naman ako nagsisi kasi ang bilis lang lumaki ni baby..ngayon 3yrs old na sya super lambing naman kahit boy..mahilig mag hug and kiss.