Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.

20 yrs old ako nung nalaman ko buntis ako. Nasa isip ko that time, ayaw ko ipalaglag little one ko. Bago nalaman mga magulang ko nagsama na kami ng bf ko pero nag aaral parin ako kasi di pa naman halata. He is a muslim and I am a christian. Kinasal kami sa kanila, parang blessing lang daw yun oara di malasin pagsasama namin pero hindi ako nag divert ng islam, still christian parin ako. Bago pa nag one month, kinain na ako nang konsensya ko, naglakas loob ako umuwi samin kasama hubby ko. Ang awkward, para akong natatae sa kaba. Pero nilakasan ko loob ko sinabi ko sa mama ko, nadissapoint siya kasi ako nalang inaasahan nang family ko na makatulong sa kanila. Pero tinanggap parin ako ni mama. Wala akong lakas loob na sabihin sa papa ko, kaya tinulungan ako ni mama. Halos wala akong masabi sa harap ni papa, si mama lang lahat ang nagsasalita. All throughout the day, tahimik lang ako pero tinaggap parin nila ako at ang hubby ko. Ngayon, mangangak na ako at sobrang excited nang parents ko makita apo nila. Yung mga magulang, kahit magalit yan o ma disappointe magulang parin sila at di nila kayang pabayaan anak nila, especially knowing na magkakaapo sila. Trust me sis, ang gaan sa pakiramdam pag nasabi mo na.
Magbasa pa

