pcos

Mga momsh may pcos ako mag 2years old na si baby nalaman na may pcos ako nung 1year old irreg kasi ako nun saka yung mens ko minsan malakas minsan patak lang kaya ayun nagpacheck up tapos transV. Postive both ovary meron. Now walang pwedeng pills sakin dahil mataas uric acid ko pati injection bawal ayaw ko naman ng ibang family planning condom ayaw namin ni hubby prone daw kasi sa bacteria yun sabi ng OB ko saka sabi rin ng mga kapatid ko. Now tinanong kami ni ob if want pa namin magka baby sabi ng asawa ko OO but not now gusto nya 5years old na si baby . Sabi ng ob try ko daw muna mag take ng vitamins to ensure na hindi babagsak immune system ko.. Pero nag suggest din sya na sana 3 years old na si baby mag try na kami kasi mahihirapan daw ako magbuntis ulit...napag usapan namin ni hubby yun gusto nya talaga 5years old kaso po natatakot ako baka magaya kami sa ibang parents na hindi na nagka anak or magka anak man ayaw na ng panganay nila. Kaya naman po namin maganda naman work ni hubby may bahay naman kami at may maliit na business gusto nya lang daw kasi masigurado na ok na tahi ko dahil cs ako. So ayun po wala naman ako magagawa hindi namanako makakabuo ng sarili ko lang?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

natawa ako sa last part mommy haha but going back, nothing is impossible naman with the Lord. Kung gusto nyo dagdagan, why not. Blessing ang anak from the Lord. Yung bff ko may pcos, not sure if both ovaries pero ilang yrs di nagkakaron tas boom. buntis na pala sya. 3yrs gap. Pag pinagpray nyo kay Lord at will nya, ibbgay nya po sa inyo. Ako man po ay cs din kaya nagiingat talaga ako mabuntis uli at ayoko na rin kota nako haha. Mas ok ang sinabi ni ob mo na 3yrs magtry na lalo na at may pcos kayo. Mejo matagal tagal na trial ang pagbuo. Safe na sa cs yung ganung gap. So 1yr nalang pala at magttry na kayo uli hehe kung kaya naman, mas maganda may kapatid ang baby nyo. Masaya makita na sabay naglalaro at lumalaki ang mga anak 😊

Magbasa pa