Diet

Mga momsh pano kaya ako makakapagbawas ng timbang? 24 weeks preggy and overweight tlga ko before pko mabuntis. Ngayon I am at 218 pounds na ? di ko na alam pano magdadiet eh hourly ako gutom. Madalas healthy food kinakain ko like brocolli, chicken, pork, eggs, fruits everyday, anmum, and may 3 akong vitamins (folic, calcium and ascorbic). Sobrang hirap na ko kumilos pag nakahiga ako di ko malaman pano tatayo, klngan ko pa assistance para makabangon. At msakit lagi pempem ko parang may mahuhulog pag naglalakad ako or pag magpapanty or simpleng magshift positions lang from tihaya to tagilid. Mahina naman ako sa rice. Sbhin mo ng lunch and dinner ako nagrarice tig 1 cup lang, madami na ung 1 & 1/2 cup of rice sa isang kainan. The rest ng kain ko dahil oras oras ako gutom, nga snacks lang like kakain ako biscuit, or mag-anmum ako or 1 apple or isang ham and cheese sandwich or 2 pirasong banana. Medyo malakas ako sa matamis pero nagstart nko magtigil sa sweets, last na kain ko ng chocolates eh 3 days ago. Pero 215 pounds lng ako nun and today nagtimbang ako naging 218 pounds, mas bumigat pa. Umaasa pako na mainormal ko tong panganganak ko. I'd appreciate any advice po please. TIA

Diet
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nag over gain ako ng 3lbs noong December, I tried my best na mag diet, d nman ako overweight pero sabi kasi sa akin is 3lbs lang dapat max gain per month, 6lbs na gain ko. Sarap kasi ng kain noong dec. Sa case ko maka rice and bread po ako plus sweets. Nag cut ako sa rice, bread, at sweets , di ako nag skyflakes kasi sabi ng co.worker ko na nurse same lang daw ang skyflakes at rice. I opted to lessen my food intake, opo evry now and then nagugutom ako, kaya suggest nt OB ko if gutom ako drink ako ng maraming very cold water. D na din ako kumakain sa gabi. Ang snacks ko is mani, apple and, lemon juice, water lang. I still cheat once a week. I always walk from house to work (walking distance lang kasi). By Jan-Feb na maintain po ang weight ko, March nag loose ako ng 1lbs (nag o-oatmeal na ako), and this April I lost 2lbs. Maintaining n ako kasi lapit na din ako manganak. I do have exercises na din. I started 32w. Mahirap po mag diet, umiiyak ako minsan, pero we need to be stronger to hold our desires para kay baby.. Subrang hirap sa umpisa pero once nasanay na ang katawan mo sa diet mo, makaka adjust ka din po. God bless Momma. You can do it!!

Magbasa pa