Hilo

Mga momsh nararanasan nyo rin ba Na biglang magdidilim paningin nyo? Pero di naman nahihilo bigla lang talaga didilim paningin nyo kahit nakatayo naman? Madalas kasi mangyare sakin this past few days bakit kaya??

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Natry ko po yan, madalas sa simbahan yung tatayo habang kumakanta, nauubusan ako ng hangin tapos nagpapawis ng malamig hanggang sa bigla nlang magdidilim paningin .. kinonsult ko yan sa OB ko, ang sabi po nya madalas daw po talaga yun sa mga buntis, orthostatic hypotension daw po tawag sa ganun, ibig sabihin po bumababa ang bp natin kapag matagal na nakatayo or yung bigla tayong tatayo galing sa pagkakahiga or sa pagkakaupo .. kaya advised po sakin, kung tatayo daw po galing sa pagkakahiga, magdahan dahan daw po .. then kapag naman naramdaman mo ng nagdidilim paningin mo, umupo daw po at itaas ang paa, inom tubig at magpahinga . At kung nsa bahay ka naman at naramdaman mo yan, higa ka daw without pillow, then itaas mo paa mo na nakapatong sa dalawang pillow .. dapat mas mataas ang paa kesa sa ulo, para daw po bumalik sa normal ang bp ..

Magbasa pa