suicidal thoughts

mga momsh kayo po ba nung buntis nagkaron din kayo ng suicidal thoughts? Second baby ko na po ito. Im on my 30th week. Minsan naiisip ko kung anong feeling ng nagbibigti. O kaya naman naglalaslas. Feeling ko kasi wala naman may care sakin. Husband ko parang di naman excited na magkakababy ulit kami. Mas masaya siyang kasama mga kaibigan nya. Kahit sa family ko hindi ko ramdam na nagmamalasakit sila. Pagod na po ako eh. Alam kong hindi dapat ganito pero lagi kong naiisip. Pakiramdam ko magisa ako.

61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same. Ganyan din naiisip ko nung buntis ako hanggang ngayon na nanganak na ako. Nung buntis ako parang ndi din excited yung asawa ko, sinasabi niya na excited siya pero ramdam ko na hindi. Minsan dinadaan ko na lang sa panonood ng palabas para mawala sa isip ko, pero once na wala na naman akong ginagawa pumapasok na naman sa isip ko na parang nagiisa ako sa laban na ito. Siguro dahil sa hormones o sa puyat kaya ganito ako o siguro dahil sa kakulangan ng attention ng asawa ko na kailangan ko sa mga panahon na ito dahil first time mom ako, sobrang nakakapagod tapos makikita mo siya sarap sarap ng tulog samantalang sumasakit ang ulo ko sa putol putol na tulog para magpadede sa anak ko. Iniisip ko na lang na kailangan kong lumaban para sa anak ko. Pero ndi talaga maiwasan na ganun magisip lalo na bago matulog 😢

Magbasa pa