suicidal thoughts

mga momsh kayo po ba nung buntis nagkaron din kayo ng suicidal thoughts? Second baby ko na po ito. Im on my 30th week. Minsan naiisip ko kung anong feeling ng nagbibigti. O kaya naman naglalaslas. Feeling ko kasi wala naman may care sakin. Husband ko parang di naman excited na magkakababy ulit kami. Mas masaya siyang kasama mga kaibigan nya. Kahit sa family ko hindi ko ramdam na nagmamalasakit sila. Pagod na po ako eh. Alam kong hindi dapat ganito pero lagi kong naiisip. Pakiramdam ko magisa ako.

61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maraming salamat po talaga sainyo mga momsh. sa tuwing sumasagi sa isip ko, ivivisit ko lang tong thread na to. napakauplifting po ng mga words nyo. di nyo po alam kung gaano ko naaappreciate kasi wala pong ibang nagsasabi sakin ng ganyan. salamat po talaga.

6y ago

Ako dn, I also take pieces of advice here na parang saakin cnasabe.. 😊 maganda lang malaman na hindi ako nagiisa. Na hindi lang ako ung nakakaramdam ng ganito. Ganito pala talaga kapag mother na. Maraming salamat sa karamihan ng mga nanay dito..buti nlng nadownload ko tong app na ito.. 🤗🤗🤗