suicidal thoughts

mga momsh kayo po ba nung buntis nagkaron din kayo ng suicidal thoughts? Second baby ko na po ito. Im on my 30th week. Minsan naiisip ko kung anong feeling ng nagbibigti. O kaya naman naglalaslas. Feeling ko kasi wala naman may care sakin. Husband ko parang di naman excited na magkakababy ulit kami. Mas masaya siyang kasama mga kaibigan nya. Kahit sa family ko hindi ko ramdam na nagmamalasakit sila. Pagod na po ako eh. Alam kong hindi dapat ganito pero lagi kong naiisip. Pakiramdam ko magisa ako.

61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po. I have depression po for 5 years na, minsan gusto mo na lang tapusin lahat, pero di ko kayang tapusin yung buhay nung batang dinadala ko kasi kung ako wala nang pag asa sa sarili ko, siya meron pa siyang future na nakahanda sakanya.