Mga momsh hindi ko maintindihan si hubby nag usap na kami na bubukod kami nagkasundo naman kami pero feeling ko nag iba eh kasi 1month na sya naghahanap ng malilipatan pero wala parin tinanong ko sya minsan ano plano nya parang walang balak ipagpatuloy pag aaral wala rin balak bumukod.
Sabi nya naghahanap daw sya ng bahay pero tingin ko hindi naman po kasi pag uwi nya dito sa bahay after work tulog na sya kapag walang pasok bahay lang din sya umuwi na kami ng province para ma focus sya sa paghahanap kasi sinasabi nya palagi hindi daw sya makapag focus sa paghahanap kasi wala ako kasama dito sa kanila kaya umuwi muna kami kaso wala parin hindi kami kasi makatagal sa province binawal po kasi ng pedia ma expose sa mga animal ang baby ko dahil maselan ang balat ang dami po kasing alagang mga hayop tao dun samin..
Usapan po kasi namin mag asawa kapag mag aaral sya sige magtitiis ako dito sa kanila.
1 year pa po kasi para makagrad.sya.
If ayaw na nya mag aral bubukod nalang kami.
Kaso ang nangyayare po parang walang balak bumukod wala rin balak mag aral..
Kung ako lang po tatanungin kung may mag aalaga lang sa baby ko ako na magtatrabaho pero wala po talaga ako lang talaga nag aalaga minsan na po ako nakipaghiwalay sa asawa ko dahil ramdam ko masyado sya nakadepende sa parents nya takot sya na hindi na nya makuha luho nya kaya napag awayan namin yan at nasabi ko sa kanya.
"Hanggang kaylan ka ba magtatago sa saya ng nanay mo may pamilya kana hindi ka pa marunong gumawa ng paraan para mabuhay mo kami ng hindi dumedepende sa magulang mo sana nung binuntis mo ko naisip mo yan na magkakaroon ka ng responsibilidad ang laki ng pagsisisi ko na nagpabuntis naman ako sayo kasi ibang iba ka nung wala pa tayong anak akala ko dati napakswerte ko na at ikaw napangasawa ko pero maling mali matuto kang magsumikap hindi palaging dahilan mo pagod hindi tayo mayaman para magreklamong napapagod tayo mayaman nga napapagod din tayo pa kaya kung sabihin ko rin na pagod din ako pagod ako makisama sa matapobre mong magulang pagod akong maglinis ng maglinis dito sa bahay nyo na akala ata ng pamilya mo katulong nyo ko ni pinagreglahan ako pa magliligpit pagod ako umintindi sayo sa dami ng dahilan mo!""
Yes po alam kong mapapabuti anak ko dito sa kanila maayos na higaan suportado sa lahat ng gamit ng baby ko hindi kami namomroblema sa gatas diaper at iba pang needs ni baby pero emotionaly stress po ako sa inlaws ko palagi kasi nila ko kinocompare sa ex jowa ng asawa ko mayaman at model po kasi yun eh ako pandak at medyo chubby kaya po lahat nalang napapnsin nila at mali para sa kanila ang ayaw ko pa po yung lahat ng mangyayare dito sa kanila na hindi maganda ako sinisisi sa lahat po pati po ba pinaghubaran pinagreglahan pianghigaan pinagkainan nila ako parin mag lilinis sa pagkakaalam ko po asawa ako ng anak nila hindi nila ko katulong.