Vaginal Yeast Infection

Hello mga moms, naka experience na ba kayo ng Vaginal Yeast Infection? Simula college pa ako meron na akong yeast infection. Pabalik-balik po sya. Hanggang sa nabuntis ako, kaya kinunsulta ko sa doctor. Niresitahan niya ako ng vaginal suppository good for 1 week. Nawala naman sya.. kaso last week bumalik sya pero wala nang amoy, subrang kati nga lang. Ano ba gagawin ko.. di po talaga ako comfortable sa discharge ko. Subrang itchy talaga.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Make sure malinis at tuyo lagi ang private part mo. Nirecommend ni ob saken gynepro thrice a day pero nong gumaling na twice a day na lang ako gumagamit then every pee ko wash ng water at punas ng towel. Dapat ang towel na pinupunas mo sa private part mo lang yun gagamitin. Iwas ka sa mga matatamis na pagkain kc nakakatrigger ng yeast kahit fruits na matatamis bawal. Pag malala magpalit ka ng panty thrice a day.

Magbasa pa