Grandparents know it all

Hi mga moms, ano gagawin ko yung lola ko kasi pag umiyak si baby lage nya kinukuha then sasabihin nya wala ako ginagawa. Sinanay nya din na lageng buhat si baby kasi wala naman daw ako ginagawa kaya lage ko nalang buhatin pero pag lage buhat sasabihin nya na ibaba ko daw naiinitan na daw ung bata. Tapos ayaw nya ipapatay yung ilaw namin sabe ko para malaman na nya yung araw at gabi sabe nya wala pa yang alam 1 buwan palang yan. Sa totoo lang nasstress na ako sa kanya kaso matanda kasi at mahal ko naman sya kaso sobra na kasi. Hay naiiyak ako ngayon.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo nalang po. Ikaw nalang magpasensiya kay Lola. Ganyan po yata talaga pagtumatanda, kumukulit din. Tayo talaga magpapasensiya. Sabi mo nga, love mo naman si Lola. Alam kong kayang kaya mo siyang pagpasensiyahan. Basta gawin mo pa din yung kung anong alam mo mas makakbuti kay baby. Kung may ayaw ka sa way niya, expalin mo nalang maayos at mahinahon. Respect pa din po sa Lola. Sa ilaw naman, ako di talaga ko nagpapatay ng ilaw hanggat mag3months si baby ko. Kung di ka sanay ng maliwanag, mag dim lights ka nalang para kahit papano makikita mo pa din si baby.

Magbasa pa