Grandparents know it all

Hi mga moms, ano gagawin ko yung lola ko kasi pag umiyak si baby lage nya kinukuha then sasabihin nya wala ako ginagawa. Sinanay nya din na lageng buhat si baby kasi wala naman daw ako ginagawa kaya lage ko nalang buhatin pero pag lage buhat sasabihin nya na ibaba ko daw naiinitan na daw ung bata. Tapos ayaw nya ipapatay yung ilaw namin sabe ko para malaman na nya yung araw at gabi sabe nya wala pa yang alam 1 buwan palang yan. Sa totoo lang nasstress na ako sa kanya kaso matanda kasi at mahal ko naman sya kaso sobra na kasi. Hay naiiyak ako ngayon.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan talaga ang matatanda. Lola ko nga tahimik na baby ko. Iniinis pa palagi pinapaiyak tas tuwang tuwa lola ko pag napapainis nya si baby. Si mama ko naman kontrabida sakin, palagi ako nasisisi, pero wala magagawa mas alam nila yon. Yun nalang din kasiyahan nila yung mga apo nila.