help

mga mommy para akong tanga naiyak ngayon, sobrang panget na kasi talaga ng katawan ko and first baby ko to ?? kahit iniisip ko na worth it naman yan kasi para kay baby at basta healthy hindi ko talaga maiwasan mag isip dahil dyan :((

help
85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

That's part of being a woman and being a mother. Please know that. Kahit san ka mag basa, all the colors na lumutang jan sa skin mo, mag la-lighten yan naturally but if you want to extra take care of it, look for ointments na mag wo-work on sa stretchmarks mo. Ang color nawawala lang yan but ang stretchmarks mag s-stay. For now, bili ka muna ng VCO para ma help ang skin mo na hindi na mag stretch ng very bad. After panganak, start kana sa treatment. Then para di ka ma conscious sa tyan mo, be sure to buy a binder. Though pang CS yun, bumili kapa din para ma help ang tyan mo mag flatten and hindi ka magkaron ng bil-bil na over over na parang may excess skin. It takes effort kung ganun ka ka-conscious. Ako ganyan din kasi ako ka grabeh nag stretch sa first baby ko pero i didn't mind it. Di naman ako hilig mag two piece or mag bikini haha dumudugo pa nga yung stretchmarks ko nuon and very red till nag 3 years old anak ko kasi hindi ako nag lagay ng oitment pang remedio sa marks. Eto na tyan ko ngayon kahit walang remedio. LOL buntis nanaman ako pero you can see na nagfade naman talaga ang color ng marks ko.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Nawawala po talaga ang dark color sa marks mo... mag VCO ka lang or bili ka ng lotion na okay sa skin mo... then after ka manganak, mag binder ka and bili ka nung ointment na pampawala ng stretchmarks... medyo mahal yun and di talaga completely mawawala ang marks pero at least ma lessen... di na ako ako bumili nun kasi hindi bababa sa 700 per tube din maliit lang xa... kaya lotion nalang gamit ko.

VIP Member

Don’t worry mommy.. it is normal pero don’t let it affect you too much kase baka ma apektuhan si baby. You have to be more ready after mo manganak kase it will really not look good lalo. I took me 3 months bago ko natignan tyan ko ulet after ko manganak. Asawa ko naglilinis ng hiwa ko (cs ako). Pero alam mo mommmy, ngayon 3yo na anak ko.. sobrang favorite nya tyan ko. He knew san sya galing.. ang he always kisses it kahit pangit na itsura ng tyan ko at puro stretch marks. Sobrang fulfilling. Ngayon, it’s easier said than done pero promise mommy, all worth it. Just put lotion palagi sa tyan mo. This will never be the same talaga.. but everything will have a meaning. Goodluck mommy and have a safe delivery

Magbasa pa
5y ago

buti ka pa mommy. i just hope po na fade sila :((

Okay lng yan mommy magfafade din yan. At pag ang stretch marks po ay itim may chance pa pong matanggal yan, yung sayo itim nmn ata yan, madami nmn tayo available na peeling solution sa market after mo manganak, kelangan lang dika breastfeed pag gagamit ka non and atleast 6months to one year pagtapos mo manganak ska ka pedeng gumamit non. Meron din tayong mga home remedies jan like calamansi, alalay lang din sa paggamit kase acid sya nkksunog din. Pede ding mixture ng calamansi at evapmilk, ibabad mo sya sa mga parteng may stretch marks, slowly nga lang yung effect nya at gagawin mo yan everyday at least 10mins babad until maachieve mo yung gusto mong result.

Magbasa pa
5y ago

ano yun mommy?

normal lang po yan, first time mom din ako, naiiyak din ako kapag nakikita ko mga strecth marks ko sa tyan at hita, nangitim din tyan ko at kili kili, saka tahi ko sa may puson dahil cs ako naisip ko habang buhay na yun na marka kaya iniiyak ko yun sa asawa ko pero pinagtatawanan na nga lang ako ng asawa ko, pero ngayon confident na ako kahit kita mga kamot ko sa tyan kase sabi ng asawa ko natural lang naman yun hindi ko dapat iyakan, isipin ko nalang na nakapag silang ako ng baby na healthy, lagi nya ako sinasabihan na mas maganda ako ngayon. kaya cheer up po, mag lalight din po yan sa pag tagal. yung linea nigra ko malapit na mawala 😊

Magbasa pa
5y ago

Sana ganyan lahat ng asawa

Momsh ganyan din ako noon parang nakakastress isipin na pangit na tiyan mo may stretch mark na. Pero momsh isinantabi ko yung sarili ko, sabi ko at lagi laman ng pray basta po maging healthy si baby pag labas, walang kahit na anong sakit, oksy lang kahit na ano mangyari at pumangit sakin. Basta okay at good health si baby. Napagandang regalo na yun para sakin. Alam mo momsh kahit na cs ako, sobrang blessed kasi healthy si baby, then Dec25, 2019 pa siya lumabas. Sobra sobrang gift natanggap ko. Kaya pray ka lang mommy ha. Godbless😇

Magbasa pa
5y ago

4 months na ako nakapanganak momsh. And naglight lang konti pero halata pa rin. 🤣

Ganyan din ang akin sis till now hnd pa nawawala dahil 1 year old pa lng c baby q, pero hnd q iniinda ang pagkakaron q ng marka sa tiyan ang iiniisip q is positive ang importante healthy ang naging anak q kht gaano pa kapanget ang naging resulta nito sa katawan q hnd aq nagpapa stress ang impotanye skn ngayon ang pagmamahal q kay baby at ang pagmamahal skn ng daddy ni baby kht naging ganito ang naging marka. Magfocust ka lng sa love mo kay baby at kay daddy niya hnd ka magwoworry at mastress sa stretch mark na yan, like me☺

Magbasa pa
5y ago

may ginamit ka po?

Ako din po nagka-stretchmarks pagdating ko ng 7 months. Sobrang inalagaan ko katawan ko pero lumabas pa din stretchmarks. Lagi ko sinasabi sa bf ko na ang panget ko na, pero sinasabi niya na mawawala din naman ito, hanggang saninaccept ko na lang. Pinapahiran ko pa din ng oil yung tiyan ko and nag gugupit ako agad ng kuko paraniwas matalim at mahabang kuko. Di rin kasi maiwasan yung pagkamot. Tiyaga lang mommy, mawawala din yan. Learn to love yourself po 😊 Ang importante healthy mga babies natin.

Magbasa pa
5y ago

Di pa po ako nanganganak kaya andito pa din po stretchmarks ko.

VIP Member

Wag ka paka stress sakripisyo po talaga ako nga po bago magbuntis pumayat na ako ngayon grabe sobra laki ko at dami ko kagad stretch marks, 3mos pa lang ako noon lumabas lahat agad stretch marks ko sa una talaga depress ako kasi ang laki laki ko at pangit ko kagad at dami pimples which is hindi naman ako nagkaka pimples. Pero naisip ko pregnancy hormones lng ito, at maibabalik ko naman yung dati paglabas ni baby. Kaya think positive lang. kaya natin yan.

Magbasa pa
5y ago

thankyou mommy, ilang mos po nag fade sainyo?

Wag ka po mbahala sa mga marks ang importante po healthy kayo both... Di tulad ng marks ko,ayoko man tingnan kc maaalala ko lng baby ko pero bless pa rin aq kc naranasan ko ang mbuntis khit saglit lng khit ang sakit, opo nkunan po aq bago lng mag 1 week pa lng ..kaya po imbis magworries ka sa marks/katawan mo I.tresure nyo po yan kc d lahat ng babae nkakaranas nyan.. Ingat kayo ni baby and be healthy..god bless 🙏🤗

Magbasa pa

Hi Momsh! Thats okay , :) importante maging okay si baby . Actually ganyan din ung tyan ko ngayon, nung una wala kong stretch marks pero pag labas ni baby bigla akong nagkaroon sa tyan tska sa tagiliran . Dadaging talaga sa point na ma s stress ka dahil sa marks mo , pero at the end of the day maiisip mo pag labas ni baby . Super worth it kahit may stretch marks ka . Hindi ka nag iisa 😉😗

Magbasa pa
5y ago

nag light na po sayo mommy?