Problem...

Mga mommy, pa advice naman po di ko alam kung Oa lang ako or what. Yung SIL ko kasi mas panganay sa asawa ko. May asawa na din sya pero walang anak. Di pa sila nabibiyayaan ng anak. Yung anak ko ngayon kung ituring nya parang anak nya. Sinasama nya sa mga pictorial na akala mo anak nya talaga. Tama po bang mag react at pigilan ko? Kasi kami nga ng anak ko walang mga ganong picture e. Di ko naman sya masabihan kasi ayokong mag ka ilangan kami. Ok naman kami pero di ko na gusto inaasta nya sa anak ko. Kulang nalang padedehin nya sa suso nya πŸ˜… sinabihan ko na asawa ko na pag sabihan pero parang ako pa yung masama. Kesyo hayaan ko daw sabik lang daw mag ka anak. Tama po ba yun? #advicepls 😌

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For now, pabigyan n'yo na lang po muna. Baka sabik lang talaga. Or baka hindi sila makabuo kaya ganyan. Are you worried po na maging mas lapit si baby kay SIL? If ever, huwag n'yo na lang po ipahiram. Puwede n'yo naman sabihin, kunwari gustong ilabas, "huwag na. mahirap lumabas ngayon."

10mo ago

Every sunday po kami sa bahay ng family ng hubby ko. Parang required na every sunday kelangan pumunta kami dun. Nilalabas ko si baby kahit wala pa binyag para lang wala sila masabi. Minsan lang di ko maiwasan mainis, pag may kalmot sa face ang baby ko. Sasabihin nya bakit may kalmot to di nyo na naman ginupitan ng kuko. Mga ganong usap. Tas kahit tulog karga parin hahaha. Sabik nga po siguro.

Super Mum

baka lang po sabik din sa bata. for pictorial, i don't see anything wrong naman as long as di pinipilit yung bata and at risk ang security. i think its a blessing na anak ang turing sa pamangkin. πŸ’™β€