Random
Mga mommies, sino po sainyo ang hindi okay ang relationship sa mother-in-law? Hindi kasi kami okay ng MIL ko. Akala ko okay kami noong andun ako sakanila nung buntis pa ako. Akala ko okay ako sakanila nung time na magboyfriend palang kami ng anak nya. Pero hindi nya pala ako tanggap una palang daw. Ano mararamdaman mo pag narinig mo yun? Share naman po kayo ng mga ginawa nyu or naging reaksyon nyu. Maraming salamat.

Siguro kung ganyan situation ko sa MIL ko, iintindihin ko na lang sis. Syempre masakit na hindi pala tayo gusto ng magulang o pamilya ng taong mahal natin, but we also have to keep in mind na those people, they loved our hubby bago pa man natin natutunan mahalin siya, and natural lang na maging cynical sila sa atin. I'll just show them na lang na mali sila ng pagkakakilala sakin and na they can trust me and that my decisions will always be for the best of our family. It's sad when I read comments like "idc, kasi di naman sila pakikisamahan ko" or "di naman sila pinakasalan ko" yes, pero family sila ng taong mahal mo, mahal sila ng taong pinili mong mahalin, sila unang nagalaga sa kanya, sila unang nagmahal sa kanya, at least respect natin yun diba? Hindi pagpapaka plastic yung pakisamahan yung taong di mo gusto or di ka gusto, tawag dun maturity. Tanggapin na lang natin na hindi lahat magugustuhan tayo, that's life. Just keep an open mind, be clear about your boundaries, be respectful, be humble, eventually marerealize din nila na mali sila for doubting your worth.
Magbasa pa


