Positive Covid Pregnant

Mga mommies patulong naman po. Ano po ba dapat gawin o inumin para maging negative ako sa covid? ๐Ÿ˜ฉ Nagpositive kasi ako una sa rapid test at after 10 days nag swab test ako pero positive parin ngayon lang ang result lumabas ๐Ÿ˜ญ. 9 months preggy na ako ngayon. naka isolate ako ngayon sa quarantine facility sa aming province. di nga ako halos lumalabas dito eh. akala ko magiging negative na ako ngayon ๐Ÿ˜ฃumiinom lang ako ng prenatal vitamins ko tsaka citron tea. tapos minsan lang ang salabat. kumakain din ako ng oranges. ano pa ba pwedeng gawin? wala naman akong ubo't sipon po. natatakot kasi ako uminom ng ibang gamot eh. ayaw ko rin na manganak ako na covid positive ๐Ÿ’”. another swab test ko naman ngayon june 9 po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung nag positive po ako 7mos preggy po ako nun.. Everyday suob and inum ng ginger tea with lemon tapos madaming water intake, and 1000mg imunpro po yung sinabi nang OB ko aside pa po sa prenatal vitamins ko. .. Tapos Maraming fruits and pa araw din po as much as possible 6-7am kahit ilang minutes lang po.. and the best po talaga is prayer.. Rosary po everyday with hubby ginawa ko tiwala lang po sa kanya gagaling din po kayo. Sabi din po nang pinsan ko na doctor may possibility po talaga na kahit after 10-14 days mag Positive pa rin po sa rt-pcr pero Di na po active si covid po niyan. Di na po kayo contagious..as much as possible po mommy think positive po para Di po ma apektohan si baby mahirap man pong gawin kasi anxiety and depression yung talagang kalaban pero need niyo po maging strong para po kay baby. Praying for your healing po

Magbasa pa