FINALLY NAKARAOS NA, TINAHI DOWN THERE

Hi mga mommies. Nanganak nako today. 37 weeks and 3 days. Normal delivery. Ginupit down there kasi di magkasya si baby hahhaha so yun, may tahi ako. Ask ko lang sana kung gano kaya katagal po gagaling to? Ang sakit kasi talaga. Konting galaw, konting ubo, feeling ko maaalis tahi. Any suggestion din po kung pano mapapabilis pag galing?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats Mii nakaraos ka na❤️. Same po tayo hiniwaan din ako pero 2.4kg si baby nun, maliit pero nagpabebe pang lumabas😂. Ang nirecommend po sakin ng OB ko gynepro. Tapos umuupo ako sa arinola na may konting tubig na mainit yung kaya mo lang po yung init. Ganyan po talaga hirap kumilos, ako din nun ingat na ingat po sa pagkilos lalo na sa pag upo feeling ko matatanggal tahi ko. Ang hirap din po mag poop. Buti nakaraos ako nun. Gagaling din po yan Mii basta ingatan mo din po tahi mo, wag ka din muna buhat ng mabibigat.

Magbasa pa