38weeks close pa rin ang cervix 🥲

Hi mga mommies. Iam currently at my 38weeks pero close pa rin daw cervix ko. Medyo nakakaramdam ako ng pagsakit ng pempem saka binti. Madalas masakit ang likod at puson pero nawawala rin naman. Naglalakad rin ako mga mommies pero minsan 20-30mins nalang pag umaga saka hapon kasi parang mabigat na si baby. Mabilis na ko hingalin at tumitigas tiyan ko pag matagal na kong naglalakad. Naka pwesto naman si baby ko according sa last utz ko cephalic sya, high lying grade 3 placenta. Any advice mga mommies. First time mom here 😇🥰

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kamusta po mommy nakaraos ka na? Hope all is well. Kusang lalambot at magbubulas ang cervix mommy kapag matures o nagripened na siya patience lang po lalabas din si baby.

4y ago

Hindi pa rin nakaraos mommy ☹️ pero praying pa din na sana normal ko syang maideliver. First baby ko pa naman ito and mag 41weeks ko na po sa wednesday pero false labor pa rin nararamdaman ko ☹️

Super Mum

Don't stress yourself too much mommy. Lalabas at lalabas din si baby kung kelan nya gusto. Walking and squats also helps. Hope you have a safe delivery soon!

4y ago

Lakad and squat na ginagawa ko umaga and hapon mommy pero nung saturday close pa rin talaga cervix ko ☹️ nagwoworry na ako kasi mag 41weeks ko na sa wednesday and puro false labor pa rin nararamdaman ko. Parang di rin tumatalab sakin yung evening primrose na nireseta 😭