Meron o wala?

Mga mommies. May gusto sana akong itanong kung ano sa palagay niyo kung tama ba tong nararamdaman ko. Im 31 weeks pregnant po pala btw. Mahaba habang kwento po ito sa please bear with me. Si hubby kasi, meron siyang kaworkmate. One of the boys ang asta niya. Kaya sa lahat ng inuman, yosi break etc kasama siya. Ang hindi ko lang magets sa kanya, sa lahat na gf at asawa ng mga kaworkmates niya, talagang ako ang never niya kinausap or pinansin. Instance #1: Isinama ako ni hubby sa team building nila. Hindi pa po ako pregnant nun so okay lang makipaginuman. So andun na ako sa circle na nagtatagayan, katabi ko hubby ko. Yung iba katabi din gfs/wifey nila. Itong si ate girl ang nagtatagay. Deliberately hindi nya ako tinagayan, or inalok man lang. So hindi na lang ako uminom. Binalewala ko lang tong pangyayaring to. Instance #2: May gig si hubby, and isinama niya ulit ako. Inalok nya din lahat silang magkakaworkmate. So yun, magkakasama nanaman sa iisang table. After a while, inalok ni Ate Girl yung lahat ng kaworkmates nila na lumipat ng table. Dun na ako nainis. Naiwan ako magisa sa table kasi sumunod silang lahat pagalok niya. Si hubby ko lang ang sinamahan ako. Nagkataon din na may mga dumating na sating kabandmates ni hubby so lumipat narin kami ng table. Simula ng dalawang pangyayaring yan, talagang uminit na dugo ko sa babaeng to kasi di ko alam kung anong deal niya sakin. Fast forward last week. May convention trainingng sila sa Manila, from Wednesday to Sunday. Nagkatampuhan kami ni hubby ko during these times kasi hindi nya ako nirereplyan. Nabusy daw kasi. Nung umuwi na siya at nakatulog na kasi mahaba byahe, chineck ko phone nya. Nakita ko sa convo nila ni Ate Girl na nagpapaalam si ate girl kung pwede daw ba ipost nya pictures nila. Baka daw ma-gg ako. Di si ako naman, nainis nanaman kasi sino siya para sabihin na ma-gg ako. Kilala nya ba ako? Alam nya ba kung anong mga bagay ang ikinaka-gg ko? Sagot naman ni hubby ok lang daw. Mejo okay na kami ni hubby nitong mga panahon na to. Nagsorry sya at inamin na mali sya. Fast forward last Saturday. Dahil nga sa nung last last week eh wala si hubby, expected ko na magbabawi samin ng anak nya last weekend. Yun pala may lakad nanaman silang magkakatrabaho. KTV daw. Hindi sumama si hubby kasi wala akong kasama sa bahay pero ramdam ko na gustong gusto nya pumunta saka nainis sya sakin. Nkatulog ako ng 9pm tapos nagising ng 10pm. Sinilip ko siya sa baba. Umiinom syang solo. Di sabi ko ok, napapainom siguro talaga. Mga bandang 1am, may dumating na kaworkmates nyang tatlo at isa dun si ate girl. Dun na ako nagalit. As in di ko nakontrol galit ko kasi alam namam ni hubby na mainit dugo ko sa babaeng yun, inalok alok pa dito sa bahay para maginom. Inintay ko sila matapos hanggang 3am tapos kinompronta ko si hubby. Galit na galit talaga ako nun kasi di ako makapaniwala. Hindi ko naman sya makausap matino kasi lasing na lasing. Nung nakatulog siya, chineck ko ulit cp nya. At yung ate girl na yun ang talagang nagalok na after nila mag ktv, puntahan daw nila si hubby. Ito naman kasing si hubby, nagpost sa gc nila ng picture ng redhorse tapos solo syang nagiinom. Ngayon itatanong ko sana sainyo, dapat na ba akong mabahala? Dapat ko na bang kausapin nh masinsinan si hubby about kay Ate Girl? Sa tingin nyo, may something na ba sa kanila? Pasensya na po napahaba ang kwento, pero sa mga sasagot, maaappreciate ko po ng sobra kasi di ko alam kung napaparanoid lang ako o dahil lang sa hormones ko o talagang evident naman na may dapat akong ikabahala. THanks po.

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kutob. Marami akong ganyan sa husband ko, kahit nung mag-bf-gf pa lang kami. Lapitin talaga yung damuhong yun e. Madalas tama yan (kutob). Una, ramdam mo yung kaibahan ng trato ni ATE sayo kumpara sa ibang asawa o gf ng officemates ni hubby mo. Wag mo iparamdam kay ATE na affected ka, smile smile ka lang. Pangalawa, hindi gawain ng matinong babae ang pumunta sa bahay ng pamilyadong lalaki, lalo at disoras ng gabi para makipag-inuman. Lakas maka-cheap, nangangamoy desperada. Diyos ko po. Natural at normal na manggigil ka, naiintindihan ko. Kapal ng face niya na tumuntong sa pamamahay mo. Actually, si hubby mo, bad din. Di man lang siya humingi ng permiso sayo, bilang respeto sayo at maybahay niya. Tsktsk. Pangatlo, ito ang ang maipapayo ko. Sadyang may kalandian si ATE sa katawan. Kailangan mong lumaban pero hindi mo kailangang lumevel sa kanya. Ang kaya mo lang paalalahanan ay ang hubby mo. Wag na wag mong kokomprontahin si ATE, pag-aawayan niyo lang ng mister mo, promise. Mag-usap kayo ng mister mo ng masinsinan, wag magtataas ng boses. Karapatan mong magtanong, asawa ka. Kung wala silang something, hindi siya dapat magalit sayo at sa halip ay iassure ka at mag-adjust base sa mga requests mo. Oo mommy, halatang halata na may gusto si ATE kay hubby mo. Ang tanong, si hubby ba e attracted din kay ATE? Posible. Lalo at kung si ATE ang lingkis ng lingkis kay hubby mo. Again, hindi ko inaadvise na komprontahin si ATE. WAG na WAG mong gagawin yan. Mainam na tahimik kang mag-imbestiga. Maging prepared ka lang sa mga makikita at matutuklasan mo. Tandaan mo, nasayo ang lahat ng karapatan bilang asawa, kaya dun pa lang panalo ka na. Dedma ka lang kay ATE. Focus ka sa actions ni hubby. Goodluck 👍 Kaya mo yan.

Magbasa pa
6y ago

nakalimutan ko pong sabihin na before pumunta yung tatlo sa bahay, sinabi po ni hubby na bibisita nga daw. pero ang sinabi nyang name yung isa sa tatlo na barkada nyang lalake. may kutob ako that night na sasama yan babaeng yan at hindi ako talaga nagkamali.