40 Replies

Inumin mo yan, ako nung unangbreseta hindi ako uminom kasi natatakot din ako. Hanggang sa lumalala naging 2 antibiotic iniinom ko 3x a day pa parehas. Mas mahihirapan ka kapag lumala yan. Basta complete na 7days at 3x a day.

Need mo po talaga inumin yan. Para mabilis mawala. Sakin din sobrang taas ng UTI ko nakalagay sa Urinalysis ko di na mabilang ung bacteria pero nawala agad nung uminom ako ng antibiotic. Safe naman yan.

Inom po kau nung antibiotic na nireseta ni doc, safe naman yan kay baby. Nawawala naman po yung UTI in 3days to 1week... take mo lang sya. Tapos inom ng madaming tubig & wag magpigil ng pag ihi. 🙂

Try mo po cranberry juice and buko juice inumin mo alternate. Pag sawa ka na sa buko cranberry naman and make sure 2liters of water everyday para ma flush yong bacteria.

Ganan din po ako dati may uti daw lahat ng gamot ininom ko ang outcome nawala heartbeat ng baby ko sabi sabi nila naluto daw sa gamot ang bebe ko. 6 mos na sya nun

VIP Member

Di ka naman bibigyan ni OB ng gamot na bawal sayo mamsh e, trust mo nalang si OB, isabay mo na din ang pag bubuko juice para mas mapadali pag galing mo mamsh 💚

Pag reseta ni OB ok lang sis may mga preggy po tlg na nagkakaUTI prone se tayo at umiinom dn sila antibiotic.. inuman mo dn maraming tubig at sabaw ng buko

Thank u po sa inyo!

Safe po inumin ang nireseta ng OB. Mas mahirap po kapag hindi nawala yung infection mas makakaapekto kay baby. Drink more water and buko juice po.

I had din po UTI nung 5 wreks ako taken antibiotics for 7 days 3x a day CEFUREX po ang binigay ng OB ko yun daw po safe sa buntis. I hope that helps po.

safe po yan sis. you're welcome po

Mataas ba uti mo? Kc kung mataas need mo talaga inumin pero kung mababa lang magwater therapy ka and buko juice if ayaw mo uminom ng antibiotic

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles