23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same situation momshie but we're legal ng partner ko pero mataas din expectations ng parents and relatives ko since Gagraduate na ko Ng 5 yrs course ko na BS Architecture, Sabihin mo na kesa sa iba pa nila malaman ganyan din ako natakot ako pero nung nasabi ko na sa family ko syempre disappointed sila pero natanggap din nila ngayon katuwang ko sila na nagpapalakas ng loob ko at tumutulong sakin, sa mga relatives ko wala pa kaming balak ipaalam kasi nga sa part ng magulang ko lagi nila kong pinagmamalaki sa kanila sasabihin lang namin pag settled na kami ng magiging future family ko. 😊 Pray always 😇

Magbasa pa